Advertisers

Advertisers

3 NPA todas sa bakbakan

0 55

Advertisers

NASAWI ang tatlong miyembro ng New People Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Mapanas, Northern Samar, Linggo ng umaga.

Ayon kay Major Jefferson M. Mariano, spokesperson ng 8th Infantry Division, 6:00 ng umaga nang maka-engkwentro ng mga elemento ng 4th Scout Ranger Battalion ang ‘di batid na bilang ng mga mga miyembro ng Regional Guerilla Unit (RGU) ng Eastern Visaya Regioal Party Committee sa bulubundukin ng Barangay San Jose, Mapans, Northern Samar.

Tumagal ng ilang minuto ang engkuwentro na nagresulta ng pagkasawi ng isa sa mga terorista, at mabilis na tumakas ang mga kamasahan sa iba’t ibang direksyon.



Sa clearing operation ng mga sundalo, narekober ng mga sundalo ang tatlong nasawing rebelde, 3 M14 rifle, anti-personnel mine, 2 blasting caps at mga personal na kagamitan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanan ng mga nasawing rebelde.

Patuloy ang pagtugis ng military sa tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)