Advertisers
NAKITANG patay at hinihinalang ginahasa pa ang isang batang babae na 10-taon gulang sa Lupi, Camarines Sur.
Sa ulat, nakita ang biktima na walang saplot pang-ibaba at basag ang bungo sa masukal na bahagi ng Barangay Tanawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na isinama ng lola ang biktima na magtinda ng gulay noong Sabado, hanggang sa mawala ito.
Humingi ng tulong ang lola sa mga opisyal ng barangay para hanapin ang mga bata. Hanggang sa makita sa CCTV camera ang biktima na kasama ng isang “trolley” driver o mga padyak sa riles, na sinasakyan ng mag-lola kapag magtitinda.
Nang arestuhin ang salarin, itinuro niya kung saan niya iniwan ang bangkay ng biktima na pinalo raw niya ng bato sa ulo.
Aalamin ng hukuman kung ginahasa rin ang biktima ng salarin, na sasampahan ng reklamong ‘rape with homicide’.