Advertisers
TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang mga nagpapakalat ng “fake news” o disinformation kaugnay ng mga usapin sa pagkakaaresto sa dating Pangulo Rodrigo Duterte matapos na ihain ang warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Brigadier General Jean Fajardo, PNP Spokesperson at Central Luzon Director, tukoy na ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng “fake news”:
“Dinodokumento yan ng ating ACG at hintayin natin ang magiging aksyon nila. Na-identify na nila itong mga nagpapakalat ng fake news at ‘yan naman ay hindi natin basta i-ignore lamang dahil unang-una alam natin yung intension,” pahayag ni Fajardo.
Isinaad din ni Fajardo na kasama rin sa mga mino-moniotr ng PNP-ACG ang mga nagpapalabas ng mga pagbabanta o mga pahayag.
“It is already bordering to inciting to sedition and then we initiate appropriate police action kaya ang pakiusuap natin sa ating mga kababayan na huwag basta-basta maniwala, maging mapagmatyag at discerning sa mga lumalabas especially sa social media”, ani Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na huwag sakyan ng ibang may “personal interest” itong mga pangyayari. “Imbes na pakalmahin natin ang sitwasyon at tumulong tayo para maipaintindi sa ating mga kababayan na ang kanilang pambansang pulisya ay ginawa lamang ang mandato.”
“Nung hiniling yung ating tulong ng PCTC para ihain itong WOA ay ‘yun lamang ang naging partisipasyon ng PNP at ‘yan naman ay ginagawa nating para ipakita din sa ating counterparts sa Interpol na tayo ay rumerespeto at kinikilala din ‘yung kanilang legal obligations sa pamamagitan ng Interpol mechanisms,” giit ni Fajardo.(Mark Obleada)