Sa kabila ng iniwan na P17.8 B utang ni Isko: Mayor Honey pinarangalan pa ng “Good Financial Housekeeping ng DILG
Advertisers
OPISYAL na kinilala ng Department of Interiors and Local Government (DILG) ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Honey Lacuna, bilang 2024 Good Financial Housekeeping (GFH) passer. Pinatutunayan nito ang katapatan sa maayos na pamamahala, accountability at good governance.
Ang nasabing pagkilala ay ipinagkaloob sa lady mayor ng (DILG), na inilarawan ang karangalang natamo ng Maynila sa kanilang Facebook post, na : “A well-deserved recognition for transparency and excellence.”
“This achievement reflects the city’s dedication to responsible financial stewardship, ensuring that public funds are managed efficiently for the benefit of every Manileño,” dagdag pa ng DILG.
Matatandaan na noong 2023, ang parehong karangalan ay natamo din ng lungsod sa ilalim ni Lacuna maapos na pumasa sa 2022 good financial housekeeping assessment.
“Ito po ‘yung katunayan na ang nakaupo (Mayor Lacuna) ay matino at mahusay sa paghawak ng ating pananalapi. Lahat ng documents ay maaring ma-access ng publiko,” pahayag ng DILG .
Sa kanyang bahagi sinabi ni Lacuna na ang karangalan ay lalo pang magdudulot sa kanya ng inspirasyon upang pagbutihin pa ang kanyang tungkulin bilang Punong Ehekutibo ng kabisera ng bansa. Umaasa din siya na ganito rin ang gagawin ng kanyang mga kapwa trabahador ng City Hall .
Noon pa man ay may prinsipyo na si Lacuna na kapag usapin na ng kaban ng bayan, siya at ang iba pang opisyal ay lubhang maingat at sinisigurado na ito ay ginastos ng matalino at episyente.
Binigyang kredito din ng lady mayor ang kanyang mga kapwa opisyal at kawani na siyang namamahala sa pangalaga ng pananalapi ng pamahalaang lungsod at ito ay sa kabilang ng iniwan na utang na P17.8 ni ex-Mayor Isko Moreno.
Binigyang diin ng alkalde na ang lahat ng karangalang tinatamo ng kanyang administrasyon ay dahil sa pagtutulungan at suporta ng mga kawani at mga city officials.
“Hindi po natin makakamit ang mga bagay na ito nang ako lamang mag-isa. Kaya naman, salamat sa aking mga kasamahan sa City Hall at nabwa ay magsilbing inspirasyon ang mga parangal na kagaya nito para higit pa nating pagbutihin ang ating trabaho sa araw-araw,” saad pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)