Advertisers

Advertisers

PULITIKA NG INGAY

0 86

Advertisers

NAKAKAAWA ang mga supporter ni Gongdi. Ang buong akala nila makukuha nila sa ingay ang isyu ng pagdakip kay Gongdi at pagkakakulong niya sa pasilidad ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague. Ang buong akala nila makukuha ang ICC sa ingay nila at pauuwiin siya sa Filipinas. Mali. Maling-maling sila.

Hindi na makakabalik si Gongdi sa Filipinas. Isinuko na siya ng gobyerno ni BBM sa ICC at hindi siya pakakawalan ng ICC ng ganoon lang. Dadaan siya s masusing imbestigasyon at paglilitis ng ICC. Tatagal ang proseso at maaaring umabot iyan ng taon. Sa maikli, maaaring hindi na makatuntong ng Filipinas si Gongdi at maaaring sa pasilidad ng ICC na siya mamamatay.

Sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, sinabi ni Kristine Conti, isang manananggol na special assistant to the counsel sa ICC, na kung mapatunayan na guilty si Gongdi sa mga bintang sa kanya, maaari siyang patawan ng kulong na aabot sa 30 taon. Pakakawalan si Gongdi sa edad na 110 anyos. Nagtawanan ang mga nakikinig na kasapi ng media sa forum.



Kung gusto nila na makalaya si Gongdi mula sa kulungan ng ICC, maaaring iorganisa nila ang mga siga ng Davao City, dalhin sa The Hague, at gumawa ng commando operations palayain si Gongdi. Pero ano sila, hilo? O magpapatiwakal? Pero hindi ganito kasimple ang isyu.

Hindi namin alam kung maaawa o maiinis kami sa kanyang mga supporter. Labis na makikitid ang pag-iisip dahil hindi nila matanggap ang katotohanan. Hindi sila tumatanggap ng katwiran at ang tingin nila ay si Gongdi pa rin ang nasa poder. Walang kahihitnatnan ang kanilang ingay. Mabibigo lang sila.
***
NAKIKITA ang pagbaligtad ng ilang opisyal ng PNP upang idiin si Gongdi bilang mastermind sa maramihang pagpatay kaugnay sa madugo pero bigong giyera kontra droga ni Gongdi. Hindi pa sila lumalantad pero ang balita namin, may mga inihanda na silang affidavit na isusumite sa sandaling tumestigo sila sa paglilitis kay Gongdi.

Hindi sila mangingiming sabihin ang alam nila sa war on drugs ni Gongdi. Sasabihin rin nila ang partisipasyon ng ibang opisyal tulad ni Bato dela Rosa at Oscar Albayalde. Laglagan na ito. Ligtasan ng sariling balat. Maiiwan si Gongdi upang pasanin ang lahat ng sisi sa isyu ng giyer kontra droga. Wala kaming inaasahang paraan upang maabsuwelto siya.

Mayroon isang post na aming nabasa sa social media. Pakibasa: “Atty Kristine Conti, an NUPL lawyer and ICC assistant to counsel, was our guest at Dapo Saturday News this morning. I had the pleasure of asking her the ICC system. Claiming my total ignorance of the ICC system, I raised the question if it’s possible to have ‘state witnesses’ at the ICC.

“It’s because the ICC is not a state but an international organization. I raised it within the context that what if Bato dela Rosa or Oscar Albayalde suddenly turns around to say everything he knew and did on Gongdi’s bloody but failed war on drugs. Nothing but the truth of course, mainly to get away from any punishment or to acquire lighter penalty.



“Atty Conti answered in the affirmative. But they are not called state witness. The technical term for them under the ICC system is “insider witness.” Atty Conti said she is leaving next week to go to The Hague. I did not ask further on what she would do there because I feel her trip there is self explanatory.”
***
MAY lumabas na balita tungkol sa paninindigan ng QuadComm tungkol sa war on drugs ni Gongdi. Pakibasa:

Quad Comm hopeful ICC will expose how Duterte’s ‘Grand Budol’ Drug War was actually a ‘multibillion-peso racket’

AS the International Criminal Court (ICC) moves forward with its case against former President Rodrigo Roa Duterte, a senior member of the House Quad Comm on Monday expressed optimism that the trial will reveal the full extent to which the so-called war on drugs was exploited to generate billions for those in power during the previous administration.

Previous investigations have suggested that rather than eradicating narcotics, the campaign increased drug prices, consolidated control over the illegal market, and funneled profits into illicit businesses such as Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

“Para simple, ganito po: Bakit Grand Budol ang War on Drugs? Kasi hindi lang ito madugo—ito po ay isang bilyong-pisong negosyo. ‘Yung maliliit na nagtutulak, pinagpapatay, pero ‘yung malalaking sindikato, lalo pang lumakas. Bakit? Kasi sila ang kumontrol sa supply. At kapag sila lang ang natira, sila rin ang nagtakda ng presyo,” House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, a senior member of the House Quad Comm, of Zambales said.

“Kung talagang giyera kontra droga ang naganap, bakit hindi tinarget ang malalaking supplier? Bakit ‘yung maliliit lang ang inubos, pero ‘yung malalaki, lalo pang lumakas? Sinong nakinabang sa lumobong presyo ng droga?” Khonghun, who chairs the House Special Committee on Bases Conversion, questioned.

***

Email:bootsfra@gmail.com