Advertisers
Ni Beth Gelena
SINA John Lloyd Cruz, Maria Ressa at ang Eraserheads, ang first cover stars ng Rolling Stone Philippines.
Habang nagsu-shoot si JLC sa magazine ay may conversation sila ng National Artist for Film and Broadcast para sa kanyang cover story.
The actor spoke about his decades-long career with works across various genres, and his thoughts about regrets, success, and personal ways of being.
Ang tatlong personalidad ang inaugural issue ng Rolling Stone Philippines na ilo-launch with an event sa March 21 sa Maybank Performing Arts Theater.
Ang admission ay limitado at kailangan na bumili ng Rolling Stone Philippines Live Bundle.
Ang iba pang detalye ay mababasa sa kanilang Instagram page.
***
ANNE AT VICE GANDA ‘IT’S A TIE!’
MAY post si Meme Vice Ganda sa kanyang Instagram account kung saan rumarampa na tila nagmomodel ang TV host-actor comedian.
Aniya sa caption: “That thing called GANDAra!”
Nangunguna si Anne Curtis sa nagkomento sa viral ‘OOTD’ video ni Meme Vice.
Aniya: “Ayan. Ganyan dapat. Para hindi mo na ako pwede awayin or asarin pag rumampa ako dyan. It’s a tie na tayo!”
Feel na feel ni Vice ang pagpe-flex ng kanyang casual striking look.
Binida pa niya na ang suot niyang denim pants ay mula sa luxury brand na Mugler.
Sey naman ng isang commenter, “Sabay na po kayo mag-video sa susunod.”
***
TULUYAN nang nawala ang 224 tattoo ni Philmar Alipayo kung saan tinakpan ito ng bagong design.
Sa recent post ni Philmar sa kanyang social media may makikitang bagong tattoo design sa kanyang right lower biceps.
Sa kanyang Instagram story, pinapakita ng champion surfer ang bagong design na kanyang pinapatatto covering the area where the “224” tattoo was once prominently displayed.
The apparent alteration of the “224” tattoo has been interpreted by some as a sign of Philmar‘s commitment to mending his relationship with Andi.