Advertisers
Ni Archie Liao
NAGING issue of national importance ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ICC dahil sa isyu ng extrajudicial killings sa bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Katunayan, naging sensitibo ang DDS followers sa pagkakadetine ng dating president sa Hague sa Netherlands.
Na-bash sina Kim Chiu, Vhong Navarro, Jasmine Curtis-Smith at iba pang showbiz personalities dahil sa kanilang mga komento sa kanilang shows at maging sa social media.
Ipinalagay ng DDS supporters na patama kay PRRD ang spiel nina Kim at Vhong na “‘deserved” sa “It’s Showtime” kahit pa nagpaliwanag silang nagbabasa lamang sila ng kanilang spiels.
Sa kaso naman ni Jasmine, nakuyog din siya sa simpleng pagbati ng “Magandang umaga, sana masarap ang almusal ng lahat.”
Sa kanila namang social media accounts, iginiit nina Kim at Vhong na walang halong pa-shade ang kanilang mga spiel.
Gayunpaman, ayaw pa ring tigilan ng DDS supporters si Kim.
As of late, galit pa rin ang mga ito at ipinaboboykot ang pelikula nila ni Paulo Avelino na showing na next week.
May mga ipinakalat pang tsikang kanselado umano ang promosyon ng KimPAu sa South.
Hindi pa rin sila nagkasya sa pamboboykot dahil viral sa X social media account ang pananabotaheng ginawa ng ilan sa poster ni Kim.
May ilang diehard na tinakpan ang mukha ng Chinita actress sa streamer ng brand ng isang bake shop na ini-endorso nito sa isang lugar sa Mindanao.