Advertisers

Advertisers

Candy aminado, takot mamatay at maiwang mag-isa ang special child na anak

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MATAGAL nang lovelife si Candy Pangilinan, at sa tanong namin sa komedyana kung kumusta ang puso niya at kung by choice ba ang pagiging loveless niya sa maraming taon…

“Hindi ko sinasabi na by choice na, ‘Sige ho, gusto kong maging single talaga.’



“Siguro, wala pa talagang dumarating na kikiligin ako katulad ng dalawang ito,” pagtukoy ni Candy sa mga kaibigang sina Kim Molina at Jerald Napoles na co-stars niya sa Un-Ex You ng Viva Films.

Patuloy pa ni Candy,“Na tatanggapin yung anak ko, kasama yung responsibilidad. Mahirap yun, e.

“Aminado naman ako kasi buy one take po ako!”

May anak si Candy, si Quentin na isang special child.

“Iba na ngayon kapag buy one take one.



“Buy one take one with responsibility and accountability.

“Siyempre, iba din yon. Bonus na po yun, ipinagdarasal na lang po.”

Ani Candy, pagod na siya…

“Yung aalagaan naman ako. Napapagod ho kasi ako.

“Saka gusto ko sana yung puwede akong magpahinga.

“Yung hindi naman ako magpapakain. Siya naman ang magpakain sa akin.

“Hindi naman ako naghahanap ng mayamang-mayaman. Gusto ko lang ho masipag.”

Samantala, malalim ang binitiwang salita ni Candy na takot siyang mamatay!

Ayaw niya kasing maiwang mag-isa si Quentin na ngayon ay 21 years old na.

“Ang kinatatakutan ko, yung mamatay na po.

“Kasi kapag namatay ako, hindi ko alam kung kakayanin niyang mag-isa, at this point.

“So, hindi ako puwedeng mamatay ngayon o bukas kaagad.

“Siguro kailangan pa ako humaba-haba nang konti pa yung buhay ko.

“Yun ang dasal ko, saka magtrabaho at mag-ipon para sa anak ko.

“Yung maka-establish ako ng something for him that will sustain him kapag nawala ako.

“Yun ang kinatatakutan ko dahil yung mga batang katulad nila, dahil hindi sila independently functional, madali rin silang utuin, kausapin.

“Lahat ibibigay nila because they have such innocent hearts and, you know, they just want friends.

“Parati nga silang ganoon, gusto nila ng kaibigan.

“So, yun lang ang takot ko.”

Blessing para kay Candy si Quentin…

“Pero on the other hand, kung bubuksan mo talaga yung puso ko, meron akong gratefulness sa anak ko, yung pagpapasalamat.

“Dahil kung wala po si Quentin, hindi niyo po mababago yung Candy. Hindi po ako ngayon ito.

“Hindi ko matatahak itong journey na ito at mare-realize kung gaano po tayo lahat kasuwerte because we have so many things that we take for granted.

“Na we are so blessed in so many ways. Na-simplify po niya ang buhay ko.”

Samantala, ipalalabas ang Un-Ex You sa mga sinehan sa April 9 sa direksyon ni RC delos Reyes, mula sa Viva Films.

Nasa pelikula rin sina Kyosu Guinto as Bry, Vladia Disuanco as Beybeh, kung saan gaganap sina Kim bilang Zuri, Jerald bilang Andy at Candy bilang Mameng.