Advertisers

Advertisers

Ilan sa mga nagwagi sa 38th Star Awards for Television inihayag na; Piolo, Kim at Alden sanib-puwersa sa pagho-host

0 49

Advertisers

TIYAK na mas magniningning ang 38th Star Awards for Television sa pagsasama-sama ng tatlong sikat at bigating Kapuso at Kapamilya artists na sina Alden Richards, Kim Chiu, at Piolo Pascual bilang hosts nito.

Gaganapin ang inaabangan at star-studded na gabi ng parangal ngayong Linggo, March 23, 2025, 7pm sa Dolphy Theater sa Quezon City.

Bibigyang-parangal ng PMPC Star Awards, Inc. ang mga namukod-tanging programa sa telebisyon sa buong 2024 — pati na ang mga performances sa larangan ng drama at comedy, hosts sa iba’t ibang kategorya tulad ng variety shows, talk shows, documentary, lifestyle, educational, game shows at iba pa, gayundin ang broadcasters.



Ang magbubukas ng programa ay isang pasabog na production number mula sa GMA big stars na sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista, kasama sina Kai Montinola at Jarren Garcia ng Pinoy Big Brother.

Magbibigay ng espesyal na tribute si Concert King Martin Nievera para sa movie queen na si Gloria Romero bilang isa sa icons of Philippine Television.

Hahataw naman sa finale number ang mahusay at award-winning singer na si Jed Madela kasama ang mga cutie na Eat Bulaga Singing Queens.

Gagawaran ng pagkilala sina Janice de Belen bilang Ading Fernando Lifetime Achievement Award (sa kanyang maraming taon bilang aktres at host sa local television), Julius Babao bilang Excellence In Broadcasting Award Lifetime Achievement Award.

Ang “I-Witness” — na isa sa mga haligi nang programa ng GMA Integrated News — ay iluluklok na sa prestihiyosong PMPC Hall of Fame bilang Best Documentary Program sa pagwawagi nito nang labinlimang beses sa nasabing kategorya.



Ngayong taon, napili rin ng PMPC media group ang mga sikat na tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino (para sa “Linlang”) at Barbie Forteza at David Licauco (para sa “Pulang Araw”) upang makamit ang German Moreno Power Tandem Award.

Sa pamumuno ng PMPC President na si Mell Navarro at over-all chairman Rodel Fernando, ang 38th Star Awards for Television ay mula sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines ni Tess Celestino-Howard at direksyon ni Eric Quizon.

Mapapanuod ang delayed telecast sa April 5, Sabado, 10:30pm sa A2Z.

Ang pitong major awards na Best TV Station, Best Drama Actress, Best Drama Actor, Best Supporting Drama Actress, Best Supporting Drama Actor, Best Male TV Host, at Best Female TV Host ay ihahayag sa gabi ng parangal.

Samantala, narito ang partial list ng mga nagwagi sa iba pang mga kategorya sa 38th Star Awards for Television… Congratulations!

38th Star Awards for Television
\PARTIAL LIST OF WINNERS

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTOR – Paolo Contis for Magpakailanman: A Son’s Karma (The Wilbert Tolentino Story) (GMA 7)

BEST SINGLE PERFORMANCE BY AN ACTRESS – Gladys Reyes for Magpakailanman: Inaanak, Inanakan (GMA 7)

BEST PRIMETIME TV SERIES — FPJ’s Batang Quiapo (A2Z, TV5)

BEST DAYTIME DRAMA SERIES – Abot-Kamay Na Pangarap (GMA 7)

BEST DRAMA ANTHOLOGY – Magpakailanman (GMA 7)

BEST MINI SERIES — Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis (GMA 7)

BEST COMEDY SHOW — Pepito Manaloto (Tuloy ang Kuwento) (GMA 7)

BEST COMEDY ACTOR — Roderick Paulate for Da Pers Family (TV5)
\BEST COMEDY ACTRESS — Maricel Soriano for 3 in 1 (Net 25)

\BEST VARIETY SHOW – It’s Showtime (GMA, GTV, A2Z, All TV)
\BEST NEWS PROGRAM — Agenda (Bilyonaryo News Channel)

BEST MALE NEWSCASTER — Noli de Castro for TV Patrol (A2Z, All TV)

BEST FEMALE NEWSCASTER — Korina Sanchez for Agenda (Bilyonaryo News Channel)

BEST GAME SHOW — Wil To Win (TV5)

BEST GAME SHOW HOST — Dingdong Dantes for Family Feud (GMA 7)

BEST CHILD PERFORMER — Zion Cruz for Himala Ni Niño (TV5)

BEST NEW MALE TV PERSONALITY — Andres Muhlach for Da Pers Family (TV5)

BEST NEW FEMALE TV PERSONALITY — Fyang Smith for Pinoy Big Brother Gen 11 Big 4Ever (A2Z, TV5)

BEST TALENT SEARCH PROGRAM HOST — Rayver Cruz and Julie Anne San Jose for The Clash 2024 (GMA 7)

BEST REALITY SHOW HOST — Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Alexa Ilacad for Pinoy Big Brother Gen 11 (TV5, A2Z)

BEST CELEBRITY TALK SHOW — My Mother, My Story (GMA 7)

BEST CELEBRITY TALK SHOW HOST — Boy Abunda for My Mother, My Story (GMA 7)

BEST MAGAZINE SHOW — Kapuso Mo Jessica Soho (GMA 7)

BEST MAGAZINE SHOW HOST — Marc Logan for Top 5 Mga Kwentong Marc Logan (TV5)

BEST DOCUMENTARY PROGRAM — The Atom Araullo Specials (GMA 7)

BEST DOCUMENTARY PROGRAM HOST — Kara David, Howie Severino, Atom Araullo, Mav Gonzales, John Consulta for i-Witness (GMA 7)

BEST PUBLIC AFFAIRS PROGRAM HOST — Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Boy Abunda for Cayetano in Action with Boy Abunda (GMA 7)

BEST PUBLIC SERVICE PROGRAM — Wish Ko Lang (GMA 7)