Advertisers

Advertisers

BAYAD PINSALA

0 20

Advertisers

ISA sa mga matinding usapin na hinaharap na bansa kaugnay sa madugo pero palpak na digmaan kontra droga ni Gongdi ay ang usapin ng “indemnification,” o bayad pinsala sa mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings (EJKs). Hindi kagustuhan ng mga pamilya ang kapalaran na sinapit ng kanilang kaanak sa giyera kontra droga ni Gongdi. Namatay ang mga kaanak ng walang pagkakataon na idepensa ang sarili dahil naging polisiya ng administrasyon ni Gongdi na puksain sila.

Marami sa mga pinaslang ang “breadwinner” ng pamilya. Dahil pinaslang, maraming pamilya ang mas nagdarahop ngayon. Hindi matugunan ang pangangailangan ng mga kaanak.Dahil sa tindi ng pangangailangan, kailangan bigyan sila ng estado ng sapat na bayad pinsala sa lalong pinakamadaling panahon. Hindi kailangan basta patulugin lang sa hapag ang mga mungkahi na magbigay ng indemnity.

Sa talakayan ng Saturday News Forum sa Dapo Restaurant, kinatigan ni Ronald Llamas, dating political affairs secretary ni PNoy, ang panukala na magbayad ang estado sa pinsala sa mga apektadong pamilya. Hindi nagbigay ng anumang mungkahi si Llamas kung paano ipatutupad ang mungkahing bayad-pinsala, ngunit tinanggap niya ang katwiran na manggagaling iyon sa halaga na makukuha sa pag-ilit ng pamahalaan sa mga ari-arian ni Gongdi (kasama ang mga deposito sa bangko). Maaari rin magpasa ang Kongreso ng isang batas na nagtatakda ng halaga na ipamamahagi sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK.



Bagaman inabot ng anim o limang taon ang panukalang bayad pinsala, hindi ito nabigyan ng kaukulang pansin dahil hindi kagyat na nag-isyu ng arrest warrant ang ICC laban kay Gongdi. Ipinatupad ang arrest warrant noong ika-11 ng Marso at nagbunga ito ng pagdakip at pagdala kay Gongdi sa ICC sa The Hague, The Netherlands. Sa aming pakiwari, dumating na ang tamang panahon upang usigin at litisin si Gongdi. Ito rin ang tamang panahon upang pag-usapan na ang usapin ng bayad pinsala sa mga naulila ng mga pinaslang ng war on drugs.

Mahalaga na rin ayusin ang documentation ng mga biktima ng EJKs upang mailagay sa listahan ng mga lehitimong biktima. Hindi maiiwasan na may maghangad na masama sa listahan upang makinabang sa biyaya ng bayad pinsala ang mga taong hindi naulila. Kailangan may ahensya ng gobyerno na maghahanda ng listahan at mangangasiwa sa bayad pinsala. Maaaring ibigay ito sa Commission on Human Rights (CHR) pero mangangailan ito ng pagkilos ng Kongreso.

***

NAKAKATULIG ang ingay ng mga supporter ni Gongdi sa mga nakaraang araw. Santambak na fake news at mayroon rin silang pagkilos sa iba’t ibang panig ng bansa upang ipahayag ang kanilang damdamin ng pagsuporta sa mamamatay tao. Hindi katanggap-tanggap ang kanilang suporta kay Gongdi, pero pagbigyan natin alang-alang sa diwa sa diwa ng demokrasya.

Tahasang iginigiit ng kanilang taga-suporta ang madaliang pagbalik ni Gongdi sa bansa. Ang buong akala nila ay ganoon ito kadali at maling-mali sila. Ang totoo ay hawak na siya ng International Criminal Court (ICC). Isinuko na siya ni BBM sa ICC. Gugulong ang katarungan at isasailalim si Gongdi sa proseso ng ICC. Hindi ito madali, sa totoo lang, dahil maaaring umabot ito ng ilang taon.



Bumalandra rin sa mukha ni Gongdi ang pagtiwalag ng Filipinas sa Rome Statute, ang tratado ng maraming bansa na bumuo sa ICC. So Gongdi ang nagdesisyon dito sa payo ni Harry Roque na hindi totoong magaling sa international law. Dahil tumiwalag ang Filipinas sa ICC, nawala ang posibilidad na bigyan ng pansamantalang kalayaan si Gongdi at muling pabalikin sa Filipinas. Biktima si Gongdi ng makasariling hangarin. Hindi natupad ang balak niya na makatakas sa pananagutan sa pagpatay ng libo-libo sa war on drugs.

***

NOONG Biyernes, masayang humarap si Prudencio Garcia, presidente ng Mekeni Food Corp., sa mga kasaping mamamahayag ng Capampangan in Media, Inc. (CAMI) sa isang pulong balitaan sa Angeles City at malayang tinalakay ang paglago ng kompanya mula nang mag-umpisa ito noong 1980 hanggang kasalukuyan. Tampok sa kanyang pagtalakay ang mga nag-ibang sitwasyon, o panganib, ngunit patuloy pa rin itong umunlad upang maging isang natatanging kompanya sa linya ng food processing.

Gumagawa ang Mekeni ng ibat-ibang pagkain na sumailalim ng proseso: tocino, longganisa, hotdog, bacon, at iba pa. Gumagawa rin ito ng fishball, squidball, kikiam, at iba pa. Marami itong kalaban sa paggawa ng processed food, ngunit ayon kay Garcia, nananatili ang kompanya sa pagiging focused sa paggawa ng mura ngunit maayos at mapagkakatiwalaang food products.

Unang nanganib ang kumpanya nang pumutok noong 1992 ang Bulkang Pinatubo sa Pampanga. Dahil sa walang humpay na pagdaloy ng lahar, nanganib na matabunan ang operasyon ng Mekeni Foods sa bayan ng Porac sa Pampanga. Dahil sa maagap na pagkilos ng pamahalaan, hindi ito ang nangyari at nakaligtas ang kompanya. Dumating rin ang panahon kung saan nanganib sa bansa sa mga sakit sa hayop tulad ng foot and mouth disease (FMD) at kahit Asian swine fever (ASF), ngunit nakaraos ang kompanya.

Ipinaliwanag ni Garcia na may oportunidad sa krisis. Ito ang halagain ng kumpanya at napatunayan nila ito nang dumating ang matinding lockdown na dala ng pandemya. Kahit may lockdown, patuloy ang operasyon ng kompanya kahit binabawasan nila ang araw ng pagtatrabaho ng kanilang manggagawa. Ngayon, mayroon silang mahigit 1,000 manggagawa at isang malaking marketing network na pambansa ani Garcia.

***

MGA PILING SALITA: “He has access to a computer, can walk around the facility, conjugal visits are allowed, his food is healthy, his room has air conditioning, he is assured of a fair trial even if he has repeatedly acknowledged he has people killed and wants to kill a lot of people.

Now compare that to what he has done to Delima: Imprisoned for 6 years because of fake charges, no airconditioning, small room, no family visits.” – Rustico Comares, netizen