Advertisers

Advertisers

ICC jurisdiction kukwestyunin ng kampo ni Duterte bago mag-Setyembre

0 11

Advertisers

ITUTULAK ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dismissal ng mga reklamong crimes against humanity bago ang nakatakdang pagdinig ng International Criminal Court sa Setyembre 23.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni dating presidential spokesperson Harry Roque na layon nilang ipakita ang epekto ng pagdukot umano kay Duterte, maging ang jurisdictional issues na nagbunsod sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

“May posibilidad na bago dumating ang Setyembre 23, baka ma-dismiss ang kaso,” ani Roque.



Ayon kay Roque, hinihintay na lamang umano nila ang pirma ni Duterte sa mga dokumento na kailangan para opisyal siyang maisama bilang legal counsel nito sa kaso.