Advertisers
KUNG napakadali mang napasakamay ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulo “Digong” Duterte, walang ibang dapat sisihin kundi ang ilang taong dikit sa kanya at kanyang mga abogagong adviser.
Ayon sa JuanLunaBlog.com, nagkanda leche-leche ang buhay ni Digong nang bumalik ito sa Pilipinas matapos dumalo sa isang malaking pagtitipon ng mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Wang Chai District sa Hong Kong, Marso 9.
Hindi pumunta si Digong sa Hong Kong para ikampanya ang kanyang mga kandidatong senador sa OFWs kundi para sa parti parti ng KOJC, ang “kulto” na itinayo ni Apollo Quiboloy, na nakakulong naman sa mga kasong panggagahasa at pang-aabuso.
“The whispers started the moment Duterte’s plane touched down. Why would he return to a country where his enemies were sharpening their knives?,” nakasaad sa artikulo.
Sinabi rin sa ulat na may pagkakataon si Digong na umiskiyerda sa kanyang biyahe sa Hong Kong, at humingi ng asylum sa mga kaalyadong bansa partikular China.
“But someone told him it was safe to come back. Someone he trusted, someone who had been by his side for years, convinced him that he was still untouchable,” saad pa sa artikulo.
“That man (… )whispered reassurances into his ear, telling him that deals had been made, that the people in power would shield him, that he still had control over the system. Duterte, drunk on his own delusions of invincibility, believed it. He walked right into a trap set by his own most trusted lieutenant,” sabi pa nito.
Habang kasalukuyang naghihimas ng malamig na rehas ng bakal si Duterte sa detention facility ng ICC sa Scheveningen District sa The Hague, Netherlands, malayang nakapag-iikot ang kanyang dating kanang kamay dahil sa kanyang pagkakakulong.
Kung sino man ang taong tinutukoy sa artikulong ito ni JuanLunaBlog.com ay dalawa lang yan: Kung hindi si Sen. “Bato” dela Rosa, si Sen. Bong Go.
Sa panayam kay Bato, ang nagpatupad ng nadugong ‘war on drugs’ na naging rason ng pagdemanda kay Digong sa ICC, kaya hindi siya nakasama sa Hong Kong ay dahil gabi na raw at may nag-tip sa kanya na naglabas na ng arrest warrant ang ICC laban sa kanila. Na aarestuhin daw si Digong pagbalik sa Pinas mula Hong Kong.
Nakarating naman kay Digong ang balitang ito, pero hindi siya naniwala, nagyabang pa nga. Tapos inabisuhan pa siya ng mga bugok niyang abogago na safe siyang babalik sa Maynila, wala raw ICC arrest warrant, at walang aaresto sa kanya dahil protektado siya ng mga opisyal na nagmamahal sa kanya.
Pero lahat ng abiso ng mga nakapaligid kay Digong ay ‘di umobra. Pagbaba ni Digong sa eroplano, sinalubong agad siya ng mga kinatawan ng International Police (Interpol) kasama ang mga operatiba ng Philippine National Police – Criminal Investigation ang Detection Group (PNP-CIDG). Idinaan si Digong sa lower level ng NAIA T3 at idineretso sa Villamor Airbase. Kinagabihan inilipad si Digong sa The Hague, Netherands kungsaan nakabase ang ICC.
Hindi sana naaresto ng ICC si Digong kung naging mabait lang ito kay Marcos. Kaso winakwak nilang mag-aama si PBBM na poprotekta sana sa kanila. Hinamon pa niya ang ICC na arestuhin na siya at madaliin ang kaso bago pa siya matigok.
Iniharap na si Digong sa ICC. Kinumpirma ang mga reklamo laban sa kanya. At sa Setyembre 23 ang sunod na pagdinig, malalaman kung balido ang mga reklamo laban sa kanya o dapat siyang pawalang-sala. Subaybayan!