Advertisers

Advertisers

Most Wanted Person sa Caloocan, arestado

0 24

Advertisers

Nalambat ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang Most Wanted Person (MWP) sa Caloocan City, Sabado ng hapon.

Kinilala ni NPD District Director PCol. Josefino Ligan ang 37-anyos na akusado, security guard ng lungsod.

Sa ulat, 2:50 ng hapon ng maaresto ang akusado sa No. 729 T.M. Kalaw St., Barangay 178, Caloocan City na nahaharap sa patong- patong na kaso ng panggagahasa.



Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng wanted sa batas sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Barbara Aleli Hernandez Brionez, Presiding Judge of Family Court, Branch 1, Caloocan City, na may petsang October 24, 2022.

Kasalukuyang nakapiit sa Northern Police District- Custodial Facility Unit (NPD-CFU) sa Kaunlaran Village, Caloocan City ang akusado habang hinihintay ang court order sa paglilipat nito sa City Jail.(Beth Samson)