Advertisers

Advertisers

Libreng chest x-ray at risk assessment consultations ipinagkaloob sa residente ng Caloocan

0 5

Advertisers

May kabuuang 798 residente ang muling nakinabang mula sa libreng chest X-ray services at risk assessment consultations na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, katuwang ang Department of Health (DOH), bilang host city sa National Capital Region para sa pagdiriwang ng World Tuberculosis (TB) Day.

Ang kaganapan, na ginanap sa Caloocan City Sports Complex, ay dinaluhan ni DOH Secretary Ted Herbosa at naglalayong mapataas ang kamalayan kaugnay ng TB bilang isang nakakahawang sakit at matukoy ang mga maagang palatandaan ng impeksyon.

Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa DOH at sa lahat ng nag-avail ng libreng serbisyong medikal na inaalok sa nasabing event para sa pagtulong sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod na maiwasan ang pagkalat ng TB sa mga lokal na komunidad.



“Nagpapasalamat po ako sa DOH at sa lahat ng ating mga mamamayan na nakiisa sa pagdiriwang ng World TB Day. Isang malaking tulong po ang presensiya ninyo sa mga ginagawa ng pamahalaang lungsod upag tiyakin na ligtas tayong lahat mula sa banta ng TB,” wika ni Along.

Ipinahayag din ni Mayor Malapitan na ang mga naunang pagsusumikap laban sa nakakahawang sakit ay ipinatupad ng pamahalaang lungsod, habang binabanggit niya ang pare-parehong pag-upgrade at pagpapabuti sa sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng lungsod.

“Hindi lang po TB ang ating pinagtutuunan ng pansin. Kasama na po sa ating mga programa ang regular na bakuna laban sa mga nakakahawang sakit at iba pang libreng serbisyong medikal, dahil batid po ng ating pamahalaang lungsod na kayang maiwasan ang mga sakit na ito kung tama at sapat ang ating mga programa,” pahayag ni Mayor Along.

“Ang gusto ko, pagdating sa kalusugan, panatag ang loob ng lahat ng Batang Kankaloo na mayroong, de-kalidad, at accessible na serbisyong medikal silang libre matatakbuhan sa oras ng pangangailangan,” dagdag ni Malapitan.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">