Advertisers

Advertisers

Bong Go No. 1 sa MBC-DZRH senatorial survey

0 12

Advertisers

Muling nanguna si Senator Christopher “Bong” Go sa pinakabagong pre-election survey para sa 2025 senatorial race.

Ayon sa survey ng MBC-DZRH na isinagawa mula Marso 8 hanggang 10, nakuha ni Go ang unang puwesto na lalong nagpatibay sa kanyang posisyon bilang frontrunner sa darating na halalan.

Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Go sa mga Pilipino sa kanilang patuloy na pagtitiwala at suporta sa kanya, bagama’t malungkot siya sa nangyaring “pagkidnap ng gobyerno” kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para isuko sa International Criminal Court (ICC) sa Hague, Netherlands.



Sa kabila nito, tiniyak ni Go sa publiko na mananatili siyang nakapokus sa kanyang mandato sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa mga batas at programa na direktang makatutulong sa ordinaryong Pilipino, lalo sa mga mahihirap.

Binigyang-diin ni Go na ang tiwala at suporta ng taumbayan ang patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa kanya upang maglingkod nang may sukdulang integridad at malasakit.

“Kayo ang lakas ko. Habang nandyan kayo, mas lalo akong magsisikap na ipaglaban ang tama at ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino,” idiniin niya.

Bukod sa pangunguna sa MBC-DZRH survey, si Go ang nanguna sa pinakabagong Pulse Asia senatorial survey na isinagawa mula Pebrero 20 hanggang 26.

Ipinapakita ng nasabing resulta ang pag-akyat niya sa ituktok na may 58.1% voter preference, isang kapansin-pansing pagtaas mula sa January survey kung saan nasa ika-2 hanggang ika-3 siya sa nakuhang 50.4 porsiyento.



Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, tagapagtaguyod si Go ng reporma sa pangangalagang pangkalusugan na naglalayong mabigyan ang mga Pilipino ng accessible at abot-kayang serbisyong medikal.

Bahagi ito ng kanyang pangako na tiyaking ang tulong ng gobyerno ay makakarating sa mga higit na nangangailangan nito.

“Ang gobyerno ang dapat lumalapit sa tao. Kaya ginagawa nating mas mabilis at mas maayos ang mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat. Huwag na dapat pahirapan ang naghihirap na,” idiniin niya.

Isa sa kanyang landmark achievements ay ang Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers sa buong bansa. Ang mga center na ito ay nagsisilbing one-stop shop sa pag-access ng mga programang tulong-pinansyal at medikal. Mahigit 17 milyong mahihirap na pasyente na ang natulungan nito.

Sa ngayon ay may 167 Malasakit Centers ang tumatakbo sa buong bansa.

Naging instrumento rin si Go sa pagtatayo ng mga Super Health Center sa buong bansa. Idinisenyo naman ito upang mawala na ang pagsikip sa mga ospital dahil dito pa lamang ay maibibigay na ang mga pangunahing pangangalagang pangkalusugan, gaya ng konsultasyon at maagang pagtuklas sa mga sakit sa mga nasa malalayong komunidad.

Si Go rin ang naging pangunahing tagapagtaguyod at isa sa may-akda ng RA 11959, o ang Regional Specialty Centers Act, na nag-uutos sa pagtatatag ng mga specialty medical center sa bawat regional hospital sa ilalim ng DOH.[