Advertisers
Hindi lamang ang mga DUTERTE SOLID SUPPORTER ang nagdarasal o nananalanging ligtas at humaba pa ang buhay ni FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE kundi maging ang mga ANTI-DUTERTE ay taimtim na humihiling na manatiling buhay pa ang dating PHILIPPINE PRESIDENT.
Partikular na nagdarasal ay ang mga pamilya ng EXTRA JUDICIAL KILLINGS na huwag munang kunin ni LORD ang buhay ni EX-PRESIDENT DUTERTE dahil kinakailangan umano itong mapanagot ng mahabang panahon sa kasong CRIME AGAINST HUMANITY hinggil sa inilunsad nitong WAR ON DRUGS na tinatayang nasa 30,000 katao ang napaslang.
Sa WEEKLY FORUM ng THE AGENDA na isinasagawa sa CLUB FILIPINO, SAN JUAN CITY ay naihayag ni BAYAN MUNA PARTYLIST CHAIRMAN ATTY. NERI COLMENARES ang mga katagang “this is about accountability. For the supporters and critics of Duterte: Let there be a trial for the sake of justice.”
Ang mga taga-suporta ni EX-PRES. DUTERTE ay may mga karapatang maglunsad ng pagrarali at PEOPLE POWER dahil ito ay karapatang itinatakda ng 1987 CONSTITUTION.., at karapatan din naman ng EJK VICTIMS na maghangad para sa hustisya.
“The families of the EJKs hope for a longer life for Duterte so that justice will be served, otherwise, if he dies, hopefully not, the criminal liability of Duterte will be extinguished,” saad ni ATTY. COLMENARES.
Sa kasalukuyan ay nasa kostudya na ng INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC) si EX-PRES. DUTERTE na ang kaniyang legal team ay naghahangad na mapabalik sa ating bansa at dito siya litisin sa mga iniaakusa laban sa kaniya.
“The government is legally bound to protect Duterte. All the things that the ICC did were all illegal and what they did to Duterte was betrayal,” pagpupunto ni EX-PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ATTY. SALVADOR PANELO.
Sa sitwasyon ngayon ng FORMER PHILIPPINE PRESIDENT ay nakasalalay na sa talinong taglay ng kaniyang mga nagsisilbing taga-depensa sa pakikipagharap sa ICC kung kakayaning mahirit nilang dito sa ating bansa idaos ang paglilitis sa mga iniaakusa laban kay DUTERTE.
“What has been done to Duterte was a violation of the Constitution and the duty of the President and the Filipinos is to protect the rights of a Filipino. If you believe that the government is violating the Constitution, let’s go out in the streets and stand up that what they are doing is unconstitutional,” panghihikayat ni ATTY. PANELO sa sambayanan.
Sa punto ng ARYA ay huwag na po nating gamitin ang mga naghihirap na mamamayan para sa laban ng PROMINENT PERSONALITY tulad ni EX-PRES. DUTERTE na kung ang kasalukuyang administrasyon ay may naging pang-aabuso at KURAPSIYON ay hintayin na lamang ng DUTERTE CAMP na matapos ang termino ni PRES. FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR para doon na nila sampahan ng patung-patong na mga kaso tulad sa dinadanas ngayon ng FORMER PRESIDENT.., ika nga 6-YEARS LANG ANG PRESIDENCY na dapat ay maging produktibo sa buong sambayanan ang panunungkulan ng sinumang magiging PHILIPPINE PRESIDENT!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.