Advertisers

Advertisers

“CASINO” BITBIT ANG PANGALAN NI LIAN MAYOR PIJI?

0 1,125

Advertisers

MATINDI ang kinakaharap na laban sa kanyang mayoralty re-election bid ni Hon. Mayor Joseph Piji sa bayan ng Lian, Batangas lalo pa’t “putok na putok” ang ma-anomalyang operasyon ng lantarang pasugalan na kung tawagin ay “pwesto pijo” o permanenteng ilegal na sugalan na nag-ooperate sa tabi lamang ng Lian Public Market.

Kung hindi masusupil sa lalong madaling panahon ni mayor at ng kanyang Police Chief na si Major Jeffrey Dallo ang ala mini-casino na ino-operate ng nagpapakilalang ex-New People’s Army (NPA) commander at mga kasosyong sina alyas Lagus at ng maimpluwensyang grupo ng “Triple J”, ay tiyak na sa basurahan pupulutin ang kandidatura ng butihing alkalde.

Ang grupong “alyas Triple J” ay operator din ng ilegal na Small Town Lottery (STL) bookies sa lahat na 19 barangay ng naturang bayan. Tila nakagapos ang kamay ni Maj. Dallo laban kina ex-NPA commander, “Triple J” at mga kapanalig ng mga itong nagpapakilala din alyado politikal ni Mayor Piji. Kung totoong naduduwag si Maj. Dallo kaya’t tameme lang ito, aba ay dapat magdemite na ito bilang hepe ng kapulisan ng Lian?



Maliban sa dungis sa imahe ng alkalde na nilikha ng pagkakaroon ng talamak na permanenteng saklaan, color games, mahjong at bilyaran na umaabot sa milyones ang pustahan ay nagsisilbi ding drug den ang naturang gambling haven pagkat doon na din nagaganap ang malakihan at maging ang tingi-tinging bentahan ng shabu.

Bukod sa mga dayuhang sugarol at drug addict ay nagtatambay din sa nasabing pasugalan ang mga drug pusher mula sa Cavite City, Las Piñas at Paranaque ngunit dedma lang kina Mayor Piji at Major Dallo ang mga kailegalang nagaganap sa naturang pasugalan.

May ilang taon na ding walang humpay ang operasyon ng naturang pwesto pijo na pasugalan, kaya’t napabantog na ang malakasang kalimitan ay ang mga naglalaban ay ang nagtatagisan ng galing ay mga propeysyonal na snooker players na nagmumula pa sa ibat ibang dako ng bansa kabilang na ang mga propesyonal at bagong sumisikat na cue artist.

Ayon pa sa ating KASIKRETA umaaabot pa kalimitan ng Php5M ang pustahan sa bilyar kayat umaabot ng 24/7 ang operasyon ng mga pasugal na dinudumog ng mga sugarol, drug pusher at addict hindi lamang sa buong lalawigan maging ng mga taga karatig na lalawigan ng CALABARZON at taga Metro Manila.

Ipinangangalandakan ng operator ng naturang gambling den na hindi sila apektado ng ipinatutupad na “No Take Policy” nina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at CIDG Director MGen. Nicolas Torre III, pagkat anila ay may local arrangement sila sa PNP Region 4A, Batangas PNP Provincial Police Office, Lian Municipal Police at higit sa lahat ay sa tanggapan ninaMayor Piji?



Bagamat hindi mga beterano o traditional politician ang katunggali ni Mayor Piji sa May 2025 Election ay may matataas na kredibilidad ang mga ito. Mahigpit din ang kanilang pagtutol sa operasyon ng ilegal na pasugalan at drug den sa naturang bayan na taliwas marahil sa patakaran ng incumbent mayor? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144