Advertisers

Advertisers

NTF-ELCAC binatikos pamumulitika ng ‘oportunistang’ Gabriela Partylist’s

0 14

Advertisers

Mariing kinukundena ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang lantarang pag-gamit ni Gabriela Women’s Partylist Representative Arlene Brosas, at samantalahin nito ang sitwasyon ng paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Pahayag ng task force, pinangalandakan ni Brosas at pinipilit na idinidikit ang NTF-ELCAC kay dating Pangulong Duterte upang magulo ang usapin.

Sinabi ni Undersecretary Ernesto Torres Jr. Executive Director ng NTF ELCAC na ang mga ‘patutsada’ ni Brosas na dapat nang binubuwag ang task force ay malinaw na pagsasawalang bahala nito sa insureksiyon na gawa ng kanyang mga kaalayadong mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.



Pagdidiin ni Torres, samantalang totoo, na ang NTF-ELCAC ay naitatag dahil sa Executive Order No. 70 noong panahon ni Pangulong Duterte, ang mandato nito ay pukasain ang panggugulo ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng ‘whole-of-nation approach’.

Ani Torres, kung ididikit ni Brosas ang NTF-ELCAC sa kanyang pamumulitika, iniinsulto ni Brosas ang mga ‘stakeholders’ na nagtutulong-tulong sa adhikain ng task force, lalo na at pinamumunuan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang Chairman.

Continues to recognize and support the vital work of NTF-ELCAC in securing peace and development for the nation.

Paliwanag pa ni Torres, ang pondo ng NTF-ELCAC ay paras a mga “socio-economic programs” upang putulin ang panggugulo ng CPP-NPA-NDF.

Aniya kabilang na dito ang mga infrastructure development, livelihood initiatives, at i a pang mga “community projects that uplift the lives of Filipinos, particularly in geograhically-isolated and disadvantaged areas.”



Kung ang mga ito ang nais buwagin ni Brosas hayagang sinasabi ng NTF-ELCAC na siya ay kaisa nga ng CPP-NPA-NDF, dahil ito rin ang kanilang isinisigaw. Pagpapakita ito, na si Brosas at ang mga komunistang-terorista ay walang pagpapahalaga sa kanilang mga kapwa Filipino.

“Rep. Brosas and frankly the rest of the Makabayan bloc’s hypocrisy is glaring. They claim to advocate for progress, yet seek to drag the country back to a time when counter-insurgency was purely a military matter, instead of employing a whole-of-nation approach that integrates good governance, social services, and culture of security,” ang saad ng pahayag ng NTF-ELCAC.