Advertisers
DAPAT malaman ng mga taga-syudad sa South ang totoong pakana sa likod ng kandidatura ng Tres Marias—isang pamilya na nais sakupin ang posisyon ng mayor, vice mayor, at konsehal. Ang matandang kandidato ay tumatakbo bilang vice mayor kahit matagal nang may iniindang malubhang karamdaman. Sa kanyang termino, halos hindi na ito pumapasok sa opisina, at iba na ang gumagawa ng kanyang trabaho.
Ngayon, malinaw na ang mapanlinlang na balak ng Tres Marias— si Ate ang Mayor at ang nanay naman ay hindi totoong uupo bilang vice mayor. Ang tunay na uupo sa pwesto ay ang anak na tumatakbo bilang konsehal. Kapag nanalo ito bilang number one councilor, magbibitiw ang nakatatanda sa puwesto, at ang anak ang papalit bilang vice mayor. Hindi pa man nahalal ay binabastos na ang proseso.
Huwag natin sayangin ang ating boto kung ang intensyon sa pagtakbo ng nanay bilang vice mayor ay para lamang paupuin ang isa niyang anak pag nanalo na No.1 konsehal sa District 1.
Huwag hayaan ang maitim na plano ng pamilyang ito dahil siguradong malilimas ang kaban ng bayan. Ngayon nga ay namimihasa na ang mga ito at sinosolo ang malalaking kontrata sa siyudad. Panahon nang iwaksi ang ganitong klase ng pamumulitika at iboto ang tunay na karapat-dapat maglingkod sa bayan.