Advertisers

Advertisers

Drug money babaha sa eleksiyon

0 1

Advertisers

BINABANTAYAN ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang posibilidad ng paggamit ng umano’y drug money sa pangangampanya.

Subalit sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PDEA Spokesperson Atty. Joseph Frederick Calulut na bagaman may mga ulat na lumalabas ay wala pang konkretong ebidensiya na nagpapatunay dito.

Sa kabila nito, tiniyak ni Calulut na lahat ng natatanggap nilang impormasyon ay sumasailalim sa masusing beripikasyon upang maiwasan ang maling akusasyon na maaaring gamitin lamang sa paninira ng mga magkakatunggaling kandidato.



Pagdating naman sa mga operasyon, upang matiyak na walang nalalabag na karapatan sa mga operasyon laban sa droga, ipinunto ni Calulut na gumagamit sila ng body-worn cameras sa kanilang mga operasyon.

Batay naman aniya sa datos ng ahensya, bumaba ng 95 porsyento ang bilang ng mga namamatay sa mga drug operations kumpara sa mga nakaraang taon.

Aniya, patuloy ding pinapalakas ng PDEA ang kanilang mga hakbang upang mapanatiling epektibo ang kampanya laban sa iligal na droga sa bansa, kabilang dito ang tamang disposal ng mga nakumpiskang droga, paggamit ng makabagong teknolohiya, at pagbabantay sa posibleng paggamit ng drug money sa darating na halalan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Calulut na ang mga nakumpiskang iligal na droga ay dinadala sa isang pasilidad sa Cavite, kung saan ito ay sistematikong sinusunog alinsunod sa itinatakdang regulasyon.

Mayroon din aniyang itinatalagang iskedyul para sa pagsira ng mga ebidensiya upang matiyak na hindi na ito muling magagamit sa anumang iligal na aktibidad. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">