Advertisers
Nagbigay ng pahayag si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde kaugnay sa posibleng arrest warrant na isilbi sa kaniya ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Albayalde na pinaghahandaan daw niya ang hakbang na ito ng ICC laban sa kaniya.
“We’re preparing for this, of course. Kailangan talaga nating ipini-prepare ito. Kung talagang isusuko tayo ng gobyerno, talagang wala tayong magagawa,” saad ni Albayalde.
Pero ayon sa kaniya, “Masama pong pangitain sa ating mga tao ito. Kung ang mga no less than our head of state o iyong mga nagserbisyo sa atin for so many years kaya nating i-surrender pala, saan pa po pupunta ang mga ordinaryong tao sa atin?”
Matatandaang nagsilbi si Albayalde bilang PNP chief mula Abril 2018 hanggang Oktubre 2019.
Samantala, bukod kay Albayalde, isa rin sa posibleng arestuhin ng ICC ang kapuwa niya dating PNP chief at ngayon reelectionist na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.