Advertisers
Unang pinuntahan at nakiramay si Chief PNP General Rommel Francisco D. Marbil sa labi, ni Pssg.Gian George dela Cruz sa Brgy, Tambubong Bocaue Bulacan ganap na alas-10:00 umaga, kasama si PNP Regional Director-3 PBGEN,Jean S. Fajardo at iba pang opisyal ng PRO3.
Kasunod nito, iniabot ni Gen. Marbil, sa Nanay ni Dela Cruz ang Medalya ng Kadakilaan.
Matatandaang si PSsg. Gian George dela Cruz ang unang nabaril ng suspek, sa ikinasa nilang buybust operation ng baril sa Sitio Tugatog sa naturang barangay nitong nakaraang Sabado ng tanghali na kalaunan, nasawi habang ginagamot sa isang pribadong hospital sa bayan ng Bocaue.
Kasunod na pinuntahan ni CPNP Marbil ang burol ni PSsg.Dennis Cudiamat, 11:15 ng umaga, sa Brgy, Matungao sa bayan ng Bulakan, Bulacan.
Kung saan binigyan din ang Medalya ng Kadakilaan, na tinanggap ng biyuda ni Pssg. Cudiamat.
Binaril si Cudiamat ng malapitan ni Alyas Athan/Xander na kasalukuyang hinahanap ng mga awtoridad.
Samantala, magkasabay na ihahatid sa huling hantungan sina Dela Cruz at Cudiamat sa Sabado (Marso 15), na kapwa bibigyan ng 21 Gun Salute bilang pagpupugay sa dalawang pulis.(Thony D. Arcenal)