Advertisers

Advertisers

3 timbog sa P300k droga sa Caloocan

0 9

Advertisers

Nasamsam ang nasa P300k halaga ng droga sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang itinuturing na High Value Individual (HVI) nang maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.

Kinilala ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) ang mga naarestong suspek na sina alyas “Daniel”, 33; alyas “Utchay”, 42; at alyas “Stephanie”, 38, na pawang sangkot sa malaking network ng pagpapakalat ng droga sa lungsod.

Ikinasa ng mga operatiba ng DDEU ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA nang makabili ng droga ang poseur buyer kaya agad inaresto ng mga operatiba 4:25 ng madaling araw sa Brgy. 163 ng lungsod.



Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 57 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P387,600.00, at 7 grams ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P840.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)