Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
HINDI napigilan ni Glaiza de Castro na maluha sa mediacon ng pelikulang Sinagtala.
Napaiyak si Glaiza nang sagutin ang tanong kung paano nakaapekto ang musika sa buhay ng cast ng pelikula (na may pagka-musical) na kinabibilangan nina Glaiza, Rayver Cruz, Arci Muñoz, Matt Lozano at Rhian Ramos.
Ayon kay Glaiza, musika ang nagligtas sa kanya sa kalungkutan.
“Bakit ako naiiyak?” tanong muna ni Glaiza na tila nagulat din sa pagiging emosyonal niya.
“Sorry, guys, feeling ko lang, may PMS ako ngayon so medyo emotional ako,” pagbibiro ni Glaiza.
“Pero kapag pinag-uusapan yung music kasi very significant sa akin.
“And para sa akin, gift talaga ni Lord sa akin, sa pamilya ko, kasi musically driven na family kami.
“So, parang every time lang na may struggle, talagang yung music ang nagpapasaya sa amin.
“Kaya parang itong pelikula na to, nung nakita ko, akala ko nga hindi ko na magagawa.
“Pero in-allow ni Lord na mapasama ako dito, makilala ko si Direk Mike na matagal ko nang gustong makatrabaho,” seryosong pahayag pa ni Glaiza.
Ang Sinagtala na pelikula na mapapanood na sa mga sinehan sa April 2 ay mula sa Sinagtala Productions at sa direksyon ni Mike Sandejas.
***
APAT lamang silang miyembro pero Five Fingers ang pangalan ng alternative rock band na kinabibilangan nina Paul Anthony Acuin (lead guitarist), Josh Christian “JC” Vicente (bassist), Lance Kerwin Fajardo (drummer) at Jack Medina (lead vocalist).
May paliwanag naman sila kung ano nga ba ang simbolismo ng Five Fingers at iyon ang pangalan nila
Lahad ni JC, “Originally po nag-start po kami as a reggae band, since reggae po kami, gusto namin mag-connect yung band namin sa nature.
Pahayag naman ni Jack, “At saka dahil siguro yung mga plants sa Pilipinas talaga na may five na leaves is nag-si-symbolize po talaga ng nature, so parang Five Fingers po talaga yung naisip naming concept.”
Ang Five Fingers, na ang bagong kanta ay “Lakas Mo” ay mina-manage ng DNA (bagong record label sa ilalim ng Star Music) at ni Roly Halagao.