Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
UMALMA si Kim Chiu sa maling interpretasyon at fake news tungkol sa kanya na inuugnay sa pagkakaaresto sa dating Pangulong Duterte.
Nangyari ito sa episode ng noontime show na It’s Showtime, kung saan isa si Kim sa nagbasa ng kanilang opening message para sa madlang pipol.
“Para naman sa mga feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila, ang masasabi namin deserve,” sey ni Kim na sinundan ng hiyawan at palakpalan ng studio audience.
Patuloy pa niya, “Wait, ‘di pa ako tapos…deserve ninyong rumesbak sa buhay!” Na ang tinutukoy ay ang segment nilang “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025.”
Kasunod nga nito, isang netizen ang nag-post sa socmed at inakusahan si Kim na nagsabing deserve raw ni Duterte ang maaresto at makulong.
Nakaabot kay Kim ang tungkol dito kaya kaagad ay sinagot niya ang basher. Post niya, “Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?! Like O to the M to the G!” ang shookt na post ni Kim sa kanyang X account kalakip ang screenshot ng post ng netizen.
Dagdag pa ng aktres “Hoy! Kaloka kayo. Binasa ko lang yung script namin na spiels. Kayo talaga! GV GV lang tayo spread kindness and good vibes.”
Kaagad namang humingi ng sorry ang nagpakalat ng bash na ito kay Kim.
***
MAY business na itinayo ang magkaibigang Lito Alejandria na kilala sa tawag na Mamalits sa showbiz, at Mia Pangyarihan, na dating member ng Sexbomb, na tinawag nilang WASSUP Super Club/Resto Bar and Lounge, na matataguan sa 836 Galicia St., Brgy, 397 Sampaloc, Manila.
Business partners nila rito ang GMA artist na si John Vic De Guzman at volleyball athlete na si Jayvee Sumagaysay.
Ang WASSUP ay itinayo para sa mga bagets na gustong mag-chill at mag-relax. Pero siyempre, hindi allowed ang mga minor. At pwede rin naman ang WASSUP sa mga may edad na rin.
Affordable ang food dito. Pero sabi ni Mia, hindi basta-basta ang food nila, maipagmamamaki nila na masasap ito kahit pa nga hindi gaanong mahal ang presyo.
Tututukan ni Mia ang kanilang business Talagang magiging hands on siya rito.
Sisiguraduhin din niya na lagi siyang nasa WASSUP, ganundin sina Mamalits, Jayvee at John Vic para makita nang personal ang kanilang mga payokyano.
Malaking tulong daw kasi ang magiging presence nila roon para mas lalong dayuhin ang lugar.
At bilang isa rin namang dancer, makikisayaw rin si Mia sa kanilang mga customers.
Siguradong gabi-gabi na namang mapupuyat si Mamalits para personal na asikasuhin ang WASSUP gaya nung dati niyang business na Zirkoh na isang comedy bar, na gabi gabi ay nandun siya.
Noong Wednesday, March 9 ginanap ang soft opening ng WASSUP, na dinaluhan ng philanthropist at businesswoman, ang napaka-generous na si Miss Cecille Bravo, na first cousin ni Mamalits.