Advertisers

Advertisers

VICE GANDA PINALAGAN ANG FAKE QUOTE CARD

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

PINALAGAN ni Vice Ganda ang kumakalat na fake quote card na naglalaman ng umano’y papuri niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, hindi siya kailanman nagbigay ng ganoong pahayag at nadismaya siya sa maling impormasyon. Kasabay ng insidenteng ito, naging usap-usapan ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte at ang kanyang nakatakdang paglilipat sa The Hague. Nag-trend sa social media ang pangalan ni Vice matapos ang paglabas ng fake quote card.



Mariing itinanggi ng TV host-comedian ang kumakalat na quote card.

Nanawagan sa publiko ang TV host na i-report ito sa publiko.

Aniya, “I never stated this. Pls report.”

Ang nasabing quote card ay naglalaman ng mga linyang pumupuri sa dating Pangulong Rodrigo Duterte, partikular na sa kampanya kontra-droga, seguridad ng publiko, at paggamit ng pondo ng gobyerno sa panahon ng pandemya.

Sa kabila nito, nilinaw ng komedyante na hindi siya kailanman nagbigay ng ganitong pahayag. Samantala, naging mainit ang diskusyon sa social media matapos ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte.



Ang dating pangulo ay inilipat umano sa kustodiya ng mga dayuhang awtoridad at nakatakdang dalhin sa The Hague.

Maraming personalidad, kabilang ang mga kaalyado ni Duterte, ang nagpahayag ng matinding pagkondena sa naturang hakbang ng gobyerno.

***

CONG. ARJO HINDI TAKOT SA HIGANTENG PULITIKO

MAY mga nagsasabing malakas umano ang kalaban ni Arjo Atayde bilang Representative sa Distrito Uno ng Quezon City na si Bingbong Crisologo Sr.

Siya ang ama ng dating nakalaban ng aktor-pulitiko sa unang pagsabak niya sa pulitika at natalo niya si Crisologo.

Hindi kami naniniwalang malakas ang matandang Crisologo kahit matagal na itong pumalaot noon pa sa pulitika.

Kahit baguhan pa lang si Cong. Arjo ay walang maipupukol sa kanya na may masama siyang ginawa mula nang siya ang umupong Congressman sa 1st District ng Quezon City.

Hindi siya masalitang pulitiko dahil ang lahat ay dinadaan niya sa kilos at gawa.

Marami nang natulungang constituents ang politikong actor na ikinasisiya ng kanyang nasasakupan kaya naman mahal siya ng mga ito.

May mga naipatupad nang batas si Cong. Arjo na napapakinabangan na ng mga netizen.

Malapit ang puso niya sa mga mahihirap kahit na galing siya sa buena familia.

Napalaki kasi sila ng kanilang butihing ina, ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na mga mabubuting anak — Ria, Arjo, Gela at Xavi.

Ang sabi nga ni Cong Arjo noong makapanayam namin siya, “hangga’t gusto at kailangan ako ng mga tao patuloy akong tatakbo sa pulitika.”

Aside sa pulitika ay patuloy pa ring umaarte si Cong. Arjo.

Nilinaw din niya na ang ginagastos niya sa kanyang pamilya ay hindi galing sa pondo ng kanilang distrito kundi sa talent fee niya bilang artista.

Habang tumatagal sa pulitika ang actor ay lalong nahahasa ang kanyang kaalaman tungkol sa mga batas.

Kung sinasabi nilang higante at malakas ang kalaban ni Cong. Arjo, sana naman ay patas itong lumaban sa pulitika.

Matapang na haharapin ni Cong. Arjo ang hamon wag lang lalagyan ng bahid-dungis ang pangangampanya ng kalaban.

May napatunayan na ang aktor-pulitiko sa unang termino pa lang ng kanyang pagkakaupo kaya huwag nilang huhusgahan kung maliit man ang makakalaban ng higanteng pulitiko na si Crisologo Sr.

Alalahanin natin na may kasabihang maliit man sa paningin ay nakakapuwing din.