Advertisers

Advertisers

Bagong fully air-conditioned na paaralan sa Tondo, pinasinayaan ni Mayor Honey

0 10

Advertisers

PINASINAYAAN ni Mayor Honey Lacuna ang isang six-storey school building na may 44 air-conditioned classrooms sa Tondo. Ito ang pang anim na na bagong paaralan na naitayo ng administrasyon ni Lacuna simula ng mahalal siya bilang alkalde noong 2022 nang hindi kailangang mangutang ng pamahalaang lungsod.

Nabatid na ang bagong paaralan ay magsisilbing tahanan ng may 3,225 mga mag-aaral at 115 faculty members at non-teaching personnel ng Emilio Jacinto Elementary School.

“Dahil may aircon ang classrooms, safe mula sa matinding init ang ng paaralan ang ating mga estudyante at faculty .Bukod sa mga classrooms, may mga bukod na specialized rooms pa para sa pag-aaral ng Information & Communications Technology, Science, Technology & Livelihood Education at Home Economics,” pahayag ni Lacuna sa kanyang talumpati sa inagurasyon.



Sinabj ni Lacuna na ang bagong school building ay naitayo sa pamamagitan ng city’s Special Education Funds, at hindi inutang sa bangko. Ang halaga ng proyekto ay P458,116,746.30.

Ang gusali ay itinayo sa 2,864-square-meter lot, kabilang sa mga iba pang school building’s facilities ay elevators, library, canteen, air-conditioned social hall sa sixth floor, restrooms at open basketball court na may bleacher seats.

Sinabi pa ng lady mayor na : “When stakeholder donors pitch in for the solar panels, classes will be uninterrupted even during power outage.” (ANDI GARCIA)