Advertisers
IBINASURA ng Pasig City Regional Trial Court Branch 159 ang motion ni dating Pastor Apollo Quiboloy na magpa-house arrest.
Sa inilabas na apat na pahinang kautusan ng korte, na wala silang nakitang justification para ilagay siya sa house arrest.
Wala ring sapat na mga dokumento ang kampo nito na magpapatibay na humihina ang kalusugan ni Quiboloy habang ito ay nakakulong sa Pasig City Jail.
Dagdag pa ng korte na mayroong sapat na kakayahan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para tugunan ang anumang daing sa kalusugan ni Quiboloy.
Matatandaang hiniling ni Quiboloy na kung maaaring ilagay siya sa house arrest sa Garden of Eden Resort sa lungsod ng Davao sa KOJC Compound o sa lungsod ng Tagaytay.
Kasabay din nito ay ibinasura ng korte ang mosyon ng kampo ni Quiboloy na huwag isama ang private lawyers at private prosecutors mula sa kaso.