Advertisers

Advertisers

SINONG GUSTO NA MAGING PRESIDENTE?

0 11

Advertisers

SI dating strongman Pres.Ferdinand Edralin Marcos ay napatalsik sa poder ng kapangyarihan via People Power noong 1986.

Si Pangulong Joseph Estrada ay di natapos ang termino matapos ma-impeach ng Kongreso at bago siya mahatulan ng Senado ay tinanggal siya sa isa na namang People Power (2) na nagluklok sa Bise Presidente noong si Gloria Macapagal Arroyo sa pinakamataas na trono.

Nakulong si Erap sa salang plunder pero nakalaya rin habang si GMA na pumalit kay Estrada ay nahalal at tinalo niya ang Da King FPJnoon sa pinilakang tabing sa anila’y pinaka-kadudadudang eleksyon sa bansa.



Pagkatapos ng termino ni GMA noong 2010 ay nakulong din ang lady president at sa bisa ng hospital arrest na kalaunan ay lumaya rin.

Si Presidente Rodrigo Duterte ay nairaos ang kanyang makulay na termino (2016-2022) tampok ang kanyang “war on drug’at mga isyung pinukol kontra sa kanya noong pandemya.

Ngayon ay naka-detain si Pangulong Digong sa The Hague sa Netherlands habang nililitis ng International Criminal Court( ICC) sa umano’y ‘crime against humanity’.

Si Pangulong Bongbong Marcos Jr.na nasa kalahating bahagi ng kanyang 2022-2028 mandate ay nakukaulapulan din ng isyung pambansa partikular ang national budget, kurapsyon ,

paglabag umano sa Constitution atbp na tinitiyak ng mga kalaban niya sa politika na mananagot siya pagkatapos ang kanyang mandato sa ’28.



Ganyan katindi ang politika dito sa atin.

O kayo diyan kabayan lalo na iyong mga timawa sa kapangyarihan..

SINO PA ANG GUSTONG MAGING PRESIDENTE NG PILIPINAS?…para sa reaksiyon #09451935742.

Lowcut-Isang babala sa ating mga ka-UPPERCUT, maging maingat sa mga lending firms na naglipang sa Kalakhang Maynila.Tiyakin ang legitimacy ng kumpanya kung me kakayahan ngang magpahiram ng puhunan sa mamamayan o ginagamit ang kanilang bulok na sistemang ang mga naglo-loan na kanilang suki at good payers naman ay naiisahan sa pamamagitan ng pag-ikot ng pera sa pamamagitan ng paggamit ng perang tubo na sa principal kaya habang wala pang pang-release ng utang ay nganga pa ang good client na taga-loan..( May Karugtong)