Advertisers

Advertisers

Walang sala si PBBM sa pag-aresto ng ICC kay Digong; si Digong ang naghamon sa ICC

0 5,864

Advertisers

SINISISI ng mga tagasuporta at kaalyado ni dating Pangulo “Digong” Duterte si Pangulong “Bongbong” Marcos sa pagkaaresto ng International Police sa dating pangulo para iharap sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng kinakaharap nitong kasong ‘Crimes Against Humanity’.

Pero kung aanalisahin nating maigi, walang sala rito si PBBM. Bakit? Walang kinalaman si PBBM sa pag-file ng kaso sa ICC. Nai-file ito nang hindi pa presidente si Bongbong. Si Digong ang nakaupo sa Malakanyang noon. Ang mga nagsampa ng kaso ay ang mga biktima ng extrajudicial killings sa tulong ng Magdalo Party-list na pinamumunuan ni dating Senador Antonio Trillanes.

Ang mga tumayong testigo sa kasong ito laban kay Digong ay ang mga dating “hitmen” ng kanyang liquidation squad, ang Davao Death Squad (DDS), na binuo raw niya noong alkalde siya ng Davao City para umano todasin ang mga kriminal sa lungsod, pero sa bandang huli ay mga kalaban na niya sa politika at mga ayaw sumunod sa kanya ang pinatumba.



Ito’y sina retired police officer Arturo Lascanas at dating NPA member Edgar Matobato. Lumabas ang dalawang ito mula sa DDS dahil hindi na raw nila masikmura ang mga iniuutos ni Digong na mga pagpatay, at sa takot narin nila na sila rin ay ipapatay ni Digong dahil sa gusto na nilang tumiwalag sa DDS.

Ang napakadaling pagkaaresto kay Digong ng InterPol ay kasalanan din niya. Bakit? Aba’y lantaran niyang hinamon ang ICC na arestuhin na siya dahil baka mamatay na raw siya ay hindi parin siya nalilitis ng ICC. His wish was granted ika nga. Hehehe…

Kung bakit napaka-easy lang sa ICC ang pagkuha kay Digong ay dahil kasalanan din niya. Two days before ay naging laman na ng social media ang pag-labas ng ICC arrest warrant laban sa kanya pero nagyabang parin, pumunta ng HongKong para raw ikampanya raw ang kanyang mga kandidato sa pagka-senador. Pero ayon sa mga ulat, kaya pumunta si Digong sa HK kasama ang kanyang pamilya at mga dating opisyal na kasama rin ang kani-kanilang misis ay para raw sana humingi ng asylum sa China govt. pero dinenay daw ito.

Naisip ni Digong na walang katotohanan ang paglabas ng ICC arrest warrant dahil narin sa advise ng kanyang mga bugok na abogagong sina Salvador Panelo at wanted na si Harry Roque na wala raw sa website ng ICC na naglabas ito ng order para arestuhin ang dating pangulo.

Kaya kalmado si Digong na bumalik ng Pinas Lunes ng umaga, kungsaan paglapag niya sa NAIA Terminal 3 ay sinalubong agad siya ng mga operatiba ng PNP-CIDG kasama ang Interpol. Idinaan siya sa lower level palabas ng airport at diniretso sa Villamor Airbase. Kinagabihan, bandang 11:00, ay inilipad na si Digong kasama ang kanyang abogadong dati niyang executive secretary na si Medialdea patungong The Hague, Netherland.



Sa mga ulat, nasa maayos na proseso ang pag-turnover kay Digong sa ICC. Sa mga update photo na ipinadala ni Medialdea na nasa maayos na lagay ang dating pangulo. Maayos ang kanyang detention cell, kumpleto. Sarap buhay siya, yun nga lang hindi na siya makapagmura.

Sinasabing ang pinakamabilis na paglitis kay Digong ay 2 taon, pinakamatagal 8 taon.

Kapag nahatulan ng ‘Guilty’ si Digong, 30 years daw ang bubunuin nito sa kulungan. Sa edad niya ngayon 79, mabubuno pa kaya niya ang 30 taon sa kulungan? Malabo na, di ba? Tiyak bangkay na siyang maiuuwi sa Pilipinas.

Ito ang sinasabi nating “lahat ng bagay ay may katapusan”. Kaya habang may buhay, magpakaayos at mag-enjoy. Ang buhay ay iisa lang. God bless sa ating lahat…