Mga tagasuporta ni PBBM binatikos ang pagtawag ni Pasig City Mayor Vico Sotto kay dating Pang. Marcos Sr. bilang ‘diktador’
Advertisers
BINATIKOS ng mga taga-suporta ng Marcos administration si Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa pagtawag nito kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bilang isang “diktador’.
Tinukoy ng mga supporter ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga post noon ni Sotto sa dating Twitter na ngayon ay “X” kung saan nananawagan ito na ihinto ang historical revisionism.
Kalakip ng post ang larawan na may nakasulat na “Marcos Diktador ‘Di Bayani”.
Si Sotto ay kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nasa The Hague para harapin ang kaniyang kasong may kinalaman sa crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Sinasabing ginagamit kasalukuyan ng Alkalde ng Pasig ang katanyagan ng kanyang mga magulang bilang mga personalidad sa pelikula at telebisyon para mangampanya bilang re-electionist sa darating na halalan, sa kabila ng hindi pagtupad sa kanyang mga pangako na magbibigay ng mas magandang buhay sa mga residente ng Pasig.
Ayon sa mga taga-suporta ni PBBM, taong 2016 pa nang magsimulang mag-post sa Twitter si Sotto ng “anti-Marcos post”.
Ito ay noong kasagsagan ng mga panawagan ng pagtutol sa paglilibing kay Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa mga tagasuporta ni PBBM, nagpapakita ito ng pagiging hipokrito ng alkalde at tila pagpapakita ng maagang ambisyon na tumakbo sa pagka-Pangulo ng bansa.
Nauna nang pinuna ng marami ang ginawa ni Sotto noong bumisita sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Pasig City para sa turnover ng mga ambulansya at financial support sa mga residente ng lungsod.
Ayon sa mga nakapuna, sinadya ng alkalde na atasan ang halos lahat ng Kapitan ng barangay para lumahok sa team-building activities sa mismong petsa ng pagdating ng Pangulo at Unang Ginang.