Advertisers

Advertisers

LIZA TH, PAPANSIN SA HOLLYWOOD PARA PAG USAPAN; ANGEL SINAKRIPISYO ANG CAREER PARA MATUTUKAN ANG AMA

0 24

Advertisers

Ni Beth Gelena

ANG sipag makipag-mingle ni Liza Soberano sa iba’t ibang event sa America na may kinalaman sa industriya



Kamakailan lang ay um-attend siya sa Elton John’s after party para sa Oscars 2025..

Kamakailan naman ay nasa Manila International Film Festival 2025 ang aktres kung saan siya ang presenter ng MIFF Trailblazer Award sa Hollywood Actor na si Nico Santos.

Second time na um-attend ng MIFF si Liza kahit wala siyang movie entry like last year.

Aniya sa isang panayam, “This is my second time here attending, and I’m really happy that we’re making more efforts to kind of bridge the gap between Filipino Americans and the Philippines in all of the movies and the filming industry.”

Komento ng isang netizen, “nagpapansin lang si Liza kaya panay ang attend ng showbiz activities para hindi siya makalimutan. She’s always circulating sa showbiz para may maisulat sa kanya. Siya ang gumagawa ng paraan to let people knows na she’s still pa rin in the industry.”



Pinili ng aktres na maging Hollywood aktres at iniwan ang kanyang katanyagan dito sa Pinas.

Ang debut movie niya as Hollywood actress ay ang Lisa Frankenstein but sad to say ay hindi ito kumita abroad and after that ay tila walang nangyayari sa kanyang career abroad.

Anyway, si Morissette Amon ang nanalong Best Actress via Song of the Fireflies kung saan ito rin ang first film debut ng singer sa big screen at si Seth Fedelin naman ang Best Actor sa kanyang pagganap sa My Future You.

Ang dalawang personalidad ang napili ng audience na manalo bilang MIFF Audience Awards Best Actress at Best Actor.

Masaya si Liza na naging part siya ng MIFF’s biggest edition.

“It’s really an exciting time. I’m really excited to be here. This is the biggest event that MIFF has hosted, so I’m really excited to be part of this moment, celebrating our pride as Filipinos.”

Beyond the glitz of the festival, Soberano looked forward to reconnecting with industry peers and forming new creative partnerships.

As an advocate for elevating Filipino representation in global cinema, Soberano is taking an active role behind the scenes.

Last 2024 ay nag-launch ang aktres ng kanyang production company.

Samantalang ang ex boyfriend niyang si Enrique Gil ay isa na ring producer.

Balitang nag-collab ang dalawa sa bagong pelikula na ang film concept aims to push the boundaries of Philippine storytelling.

***

Young aktres binulgar love scene kay Jake Cuenca sa BQ
ANDREA UMAMIN NAGDI-DATE NA SILA NI SAM FERNANDEZ PERO HINDI PA SILA

BINULGAR ni Andrea Brillantes na may intimate scene sila ni Jake Cuenca sa Batang Quiapo.

Hindi pa naipalalabas ang episode na yun, pero inamin niya sa isang panayam na they doing steamy scenes with Jake.

Eksplika ng young aktres, una raw ay inisip niyang mabuti kung gagawin ba niya?

Pero gusto raw niyang makilala as a versatile actress, hindi raw masasabing versatility kung hindi niya gagawin.

Pinagpray na lang daw niya and she’s thanking sa pagggabay ni Jake sa kanya at sa mga kasamahan sa BQ lalo na kay direk Coco Martin.

Ang dami na namang nega comments ang mga may disgusto sa aktres.

Anila, “Chaka umarte ni andrea”

Syempre pa, maraming fans naman ang aktres na tagapagtanggol niya.

“Chaka ng comment mo mas ng mukha mo I’m sure”

“nakaka chaka at nakaka HB ang pikon at di marunong tumanggap ng constructive criticism.”

“Hindi naman sya talaga kagalingan. Wag masyado defensive”

“i don’t even like andrea pero di naman chaka umarte”

“I bet mas lalong asar haters nito. Bash sila ng bash, tapos binabash nila, nag fflourish. Lol Good for her for accepting a mature role, early on. Yung iba ang tagal nakawala sa love team pabebe role. Napag iwanan na ng mga kasabayan.”

“Napag-iwanan na si Andrea ng mga kasabayan niya. Wala pa din siya lead movie and big endorsements. Sa negative issues siya marami. Yung mga nag rebrand na sumikat, sa launching movie or serye nila sila nagpa-sexy. Eh pangsahog lang siya sa BQ noh, lol”

Apela naman ng isang fan, “sino bang kasabayan nya ang sikat? Mukhang wala nman. Kung c Francine, flop ang movie nun. Kung c Kyline, eh mas starlet nman yun at mas sikat pa rin c Andrea. Sino pa bang kasabayan nya na mas sikat? Lol, tita na kasi ako at yan lang ang alam kong kasabayan Nya.”

“I’m not really a fan of Andrea but she seems like an A-lister for me. Yun yung impression ko, I don’t really follow her career.”

“agree with you but I don’t think she’s an A-lister. But she can’t definitely hold her own without a love team and that what sets her above her peers.”

“Tapos na ang serye niya 2023 ginawa lang siya pansahog sa BQ”

“halatang hater ka lang ateng. magkasunod nga yung lead role nya na serye..tsaka hindi pa ba big endorsement ang head&shoulders?? may sarili pa syang makeup brand.”

“Hindi ko naintindihan gusto mo sabihin. Agree ka pero hindi pala. She can’t stand alone? Should be always with a love team? And that is what sets her apart? Hindi nagtutugma ha. Ano talaga? Haha”

“Ang arte magsalita but you can tell mature na ang thinking nya, nice answers, good for her”

“Magaling sumagot si Andrea. In fairness. Di katulad ng ibang pinipilit mag-English, pa-mature, pa-independent woman ang peg pero di pa din pala natuto sa relationships. “If you’re contented, you wouldn’t look for anymore person right?”

By the way, inamin na rin ni Andrea na “they are dating” na rin daw ni Sam Fernandez, pero hindi pa raw sila.

***

KINUMUSTA ni Ogie Diaz si Angel Locsin nang makiramay siya sa pagpanaw ng ama ng aktres.

Personal na nakumusta ng talent manager cum YouYube vlogger na si Papa Ogs ang aktres sa burol mismo ng ama na namayapa kamakailan.

Napag-usapan ng dalawa ang labis na pagmamahal ni Angel sa ama.

Napag-alaman ni Ogie, na isa umano sa dahilan kung bakit pinili ni Angel na pansamantalang huminto sa showbiz ay dahil sa amang may sakit.

Ang ama rin ang dahilan nito kung bakit niya pinasok ang industriya sa kagustuhang mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya partikular na ang kanyang ama.

Ayon kay Ogie, tunay na kahanga-hanga umano ang pagmamahal ng aktres sa kanyang ama hanggang sa huling mga araw nito.

“So nagkaroon nga tayo ng chance na makausap si Angel sa wake ng kanyang dad. Grabe talaga ang love ni Angel sa 98 year old niyang ama dahil 18 days siyang natulog sa ospital matutukan lang ang kanyang daddy,” ani Ogie.

“Kwento nga ng asawa nitong si Neil Arce, kaya naman nag-artista si Angel ay para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya lalo na ang ama nito. At kaya naman siya nagpursige na mag-artista ay sa encouragement din ng ama.”

Isa umano sa dahilan ng pansamantalang pamamahinga ni Angel sa showbiz ay upang makapagbigay ng oras sa kanyang ama.

“Kaya naman nag-decide si Angel na huminto sa showbiz para magkaroon ng quality time sa butihing ama. Napakabuting anak talaga ni Angel ano?”

March 5 nang mapabalitang pumanaw na ang ama ni Angel sa edad na 98.

Wala namang nabanggit si Papa Ogs kung babalik na sa showbiz ang magaling na aktres o hindi pa.