Advertisers

Advertisers

NASAAN NA SI SEN. BATO?

0 17

Advertisers

ANG opisina ni Senador Bato dela Rosa sa Senato ay naka-lock.

Hindi narin sinasagot ng senador ang mga tanong ng media pagkatapos maaresto si dating Presidente Rodrigo “Digong” Duterte.

Ilan lang sa mga staff niya ang pumapasok sa kanyang tanggapan, pero sinabi nilang sila man ay hindi alam kung nasaan ang senador.



Sinabi ng media relation officer ni Dela Rosa sa mga reporter na magbibigay sila ng update kapag nagkaroon sila ng mga kailangang impormasyon.

Bilang dating Chief PNP ni Duterte, si Dela Rosa ang pangunahing nagpatupad ng brutal na ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon, kungsaan ayon sa human rights groups mahigit 30,000 ang pinatay.

Ang papel na ito ni Dela Rosa na tagasunod ni Duterte ang rason kaya sila kinasuhan ng ‘crimes against humanity’ ng mga biktima ng drug war sa International Criminal Court (ICC).

Si Duterte ay inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kasama ang International Police nitong Lunes ng umaga sa NAIA 3 paglapag nila galing sa HongKong at kaagad ibiniyahe sa The Hague sa Netherland kungsaan ang headquarters ng ICC.

Maliban kay Dela Rosa, inaasahan din ang paglabas ng ICC arrest warrant laban kay dating Chief PNP Oscar Albayalde, ang naging successor ng senador nang magretiro ito.