Advertisers

Advertisers

Petecio, Villegas pangungunahan ang 2nd PSC All Women Sports Awards

0 17

Advertisers

PANGUNGUNAHAN ni Paris Olympics bronze medal winners Nesthy Petecio at Aira Villegas ang honor roll ng 2nd PSC All Women Sports Awards na nakatakda sa Marso 15 sa Century Park Hotel.

Ang dalawang lady boxers ay tatanggap ng Female Athletes of the Year honor kasunod na kanilang podium finish sa 33rd edition ng Summer Games na ginanap nakaraang taon sa French capital.

“We will actually honor our Olympic bronze medalists Nesthy Petecio and Aira Villegas. Sila yung ating Female Athletes of the Year,”inanunsyo ni Philippine Sports Commission (PSC) Executive Director Paulo Tatad Martes sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.



Tatad na kinatawan sa weekly session commissioner at bowling great Bong Coo, na siya ang brainchild ng event sa pakikipagtulungan ng PSC na parangalan ang outstanding Filipino women sa larangan ng sports at kanilang achievments at kontribusyon sa Philippine sports landscape.

Gayunpaman, ang programa ay gaganapin kasabay sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Sinamahan ni PSC All-Women Sports Award secretariat head Rachel Dumuk si Tatad sa parehong forum.

Sinabi ni Dumuk bukod sa Athletes of the Year, igagawad rin ang Lifetime Achievement Award, Major Awards, Outstanding Female Coaches of the Year, Flame Awards, Special Citations, Female Executive Awards, at Posthumous Awards.

Hangzhou Asian Games jiu-jitsu gold medal winner Meggie Ochoa, na nagretiro kamakailan ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award.



Filipina tennis star Alex Eala, Agatha Wong ng wushu, at 77-year-old wonder at ultramarathoner Erlinda Ogsimer, ay tatanggap ng Flame Awards, na binibigay sa female sports icons na naging simbolo ng kanilang kanya-kanyang sports.

May kabouang 136 awardees ang banggitin at bibigyan ng plaque of citations at commemorative rings kaloob ng PSC sa ilalim ni Chairman Richard Bachmann

Ang selection commitee ay binubuo nina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo, kapwa Olympian Akiko Thompson, Judith Staples ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines, Nestle Philippines executive Veronica Cruz, at opisyal mula sa PSC-POC Media Group.