Advertisers
IGINIIT ni Vice President Sara Duterte na isang ‘state kidnapping’ ang pagpapadala sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague sa Netherlands.
Ayon kay VP Duterte, ito’y dahil lamang sa mukhang matatalo ang kabilang partido sa sinasabing lakas ng vote straight sa mga kandidato ng kanilang partido.
Wala rin anyang legal na basehan na ibigay ang dating pangulo sa International Criminal Court.
Kaugnay nito, nanawagan ang Bise Presidente sa publiko na huwag pumayag na ibigay ang mga pilipino sa mga dayuhan lalo na kapag wala itong legal na basehan.
Matatandaang, naaresto si dating Pangulong Duterte batay sa in-isyung warrant ng ICC.
Lumipad na din bandang alas 7:00 ng umaga patungong Netherlands ang Bise President para sundan ang kanyang amang si dating Pangulong Duterte kahit saan man ito dadalhin.
Ayon sa pangalawang pangulo, pupuntahan niya ang kanyang ama kasama ang mga abugado nito at doon sila mag-uusap kung ano ang kanilang gagawin.
Giit pa ni VP Sara, hindi naging tama ang ginawang proseso sa paghain ng arrest warrant sa kanyang ama at dapat sa korte sa Pilipinas ito dinala kung saan proseso ng bansa ang masusunod sa pagpapatupad ng nasabing warrant.
Dagdag pa ng Bise Presidente, sinabihan niya ang kanyang ama na huwag tumanggap ng pagkain at tubig kahit kanino at kainin na lamang ang inihandang go bag na inihanda ng kanilang kampo.
Matatandaang hindi pinayagang makapasok ang Bise Presidente sa Villamor Air Base.
Nilinaw din ni VP Sara na hindi humiling ng asylum ang kanyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Chinese government o nakipag-usap man lang sa mga opisyal ng China ng bumisita ito sa Hong Kong.
Kasunod ito ng umuugong na balitang humiling ng asylum sa China ang dating Pangulong kaya ito nagtungo sa Hong Kong.
Giit pa ni VP Duterte, ‘politically motivated’ ang pagkakaaresto sa kanyang ama at lahat ng nangyayari ay may kaugnayan sa 2028 elections.
Wala na rin anyang dahilan para makipag-usap pa siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala kinuwestiyon din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang legal ng basehan sa pagdala sa kanya sa Villamor Airbase mula sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa dating Pangulong Duterte, anong krimen at batas ang kanyang nilabag.
Paglabag din anya sa kalayaan ang pagdala sa kanya sa Villamor Airbase.
Pumalag din ang kanyang anak na si Kitty Duterte dahil sa ginawang pag-aresto sa kanyang ama.
Batay sa post ni Kitty, illegal detention at walang arrest warant na inilabas ang mga otoridad.
Una nang kinumpirma ng Presidential Communications Office na natanggap na ng Interpol Manila ang official copy ng warrant of arrest ng International Criminal Court laban sa dating pangulo.
Samantala kumakalat ngayon sa social media na malaki diumano ang kinalaman ni PBBM at pinsan nitong si House Speaker Martin Romualdez sa pagkakaaresto kay FPRRD dahil ang mismong eroplano (Charter Jet Tail No. RP C5219) na pag-aari ng House Speaker na madalas umanong ginagamit ni PBBM sa kanyang mga byahe sa ibat-ibang lugar sa bansa ay siya ring ginamit ngayon sa pagsundo sa Villamor Airbase kay dating pangulong Duterte para ihatid sa The Hague sa Netherlands?
Tutukan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.