Advertisers

Advertisers

Kulong na si Digong

0 4,441

Advertisers

DUMATING Martes ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte mula sa Hong Kong. Pero hindi siya nasilayan ng media at maging ng kanyang mga dating opisyal na sumalubong sa kanya sa lobby ng paliparan.

Base sa interview kay Senador Bong Go, kinuha si Digong ng ambulansiya dahil hindi raw maganda ang naging pakiramdam nito dahil sa mahabang biyahe dahil narin sa edad ng dating pangulo.

Pero ayon sa legal counsel ni Digong, kinuha ng mga pulis at dinala sa Camp Crame ang kanilang boss.



Sa Facebook post ng Philippine Defense Forum na pinatatakbo ng military, si Digong ay inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) kasama ng International Police (Interpol). Idinaan si Digong sa lower level ng NAIA at kaagad dinala sa Camp Crame.

Si Digong ay nahaharap sa kasong “Crimes Against Humanity’ kaugnay ng mga walang patumanggang pagpaslang noong alkalde pa ito ng Davao City at maging pangulo ng Pilipinas.

Matatandaan na si isiniwalat ng umaming mga dating hitman ng Davao Death Squad (DDS), isang grupo ng mga mamamatay-tao na umano’y kontrolado ni Digong, na sina ex-Police Sergeant Arturo Lascanas at ex-NPA Edgar Matobato na sila’y sinusuhulan ni Duterte para patayin ang mga kalaban sa politika at sa negosyo sa iligal na droga pati sa smuggling sa Davao City.

Sina Lascanas at Matobato ay kabilang sa mga testigo ng gobierno sa ICC laban kay Duterte para sa DDS, at sa mga tagapagpatupad ng huli ng madugong war on drugs noong pangulo ito ng bansa.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ng ICC sina dating PNP Chief ngayo’y Senador Ronald “Bato”, Senador Bong Go at ilang dati at aktibong opisyal ng PNP.



Pati si Vice President Sara Duterte ay isinangkot ni Lascanas sa patayan sa Davao City.

Wala pang balita kung may ICC arrest warrant narin sina Bato at ilan pa.

Subaybayan!

***

Ang mga nagsampa ng reklamo sa ICC laban kina Duterte ay sina dating Senador Antonio Trillanes at Liela de Lima.

Si Trillanes ay dating Navy Captain na nag-alsa laban kay dating Pangulo Gloria M. Arroyo dahil sa korapsyon.

Nakulong si Trillanes ng maraming taon pero nagawang manalong senador nang kumandidato kahit nasa loob ng kulungan.

Nang manalong Presidente si late Noynoy Aquino ay binigyan ng absolute pardon si Trillanes, na muling nagre-elect.

Sinikap ni Duterte na maibalik sa kulungan si Trillanes ngunit hindi siya nagtagumpay. Nadismis lang lahat ng ikinaso.

Nagtagumpay si Duterte sa pagpakulong kay De Lima, ginawan ng mga tahi-tahing kaso sa iligal na droga. Pero sa bandang huli ay nagsiatrasan ang mga tinakot na testigo laban kay De Lima.

Napawalang-sala si De Lima sa lahat ng mga ikinaso sa kanya nang matapos ang termino ni Digong noong 2022.

Si De Lima ay nominee ngayon ng isang party-list group na ‘ML’, habang si Trillanes ay kandidatong mayor sa Caloocan City.

Nagtagumpay sina Trillanes at De Lima sa kanilang laban sa kinikilalang monster ng politika sa bansa.

Ang anak ni Digong na si VP Sara ay nahaharap naman sa impeachment sa Senado, matapos ma-impeach sa Kamara.

Ang impeachment trial ay sisimula sa Hulyo 30.

Abangan!