Advertisers
Ni Jimi C. Escala
SUNUD-sunod na naman ang mga parangal na tinanggap ng Star for all Seasons Vilma Santos-Recto.
Pagkatapos magwaging Best Actress Award for her role sa 2024 MMFF movie “UNINVITED “, ang parangal ay mula sa 10th Platinum Stallion National Media Awards.
Sa katatapos naman na Manila International Film Festival na ginanap sa America ay si Ate Vi ang ginawaran ng MIFF Lifetime Achievement Award.
Parehong hindi personal na tinanggap ng nagbabalik gobernadora ng Batangas dahil sa kaliwa’t kanang pag iikot sa buong probinsiya.
Pero nagpadala naman ng kanyang video message si Ate Vi.
Samantala, almost everyday ay umiikot si Gov. Vi sa mga nasasakupang probinsiya ng Batangas . Kahit wala pang opisyal na campaign period ay bising bisi ang aktres sa pangungumusta sa mga constituents niya.
And in fairness dinudumog lahat ng mga Batangueño ang mga pagtitipon ni Ate Vi.
Parang walang kapagurang nakikipagkamay, beso beso at nakikipag tsikahan si Gov. Vi.
Sabi nga ng isang taga Batangas na nakausap namin ay hindi na raw dapat nagpakahirap si Gov. Vi para mangampanya, very sure naman daw na landslide winner si Gov. Vi.
Sa latest survey more than 50 percent angat ang comebacking governor over sa mga katunggali niya, huh!
Kaya raw naman ganun na lang kasipag mag iikot si Ate Vi ay para na rin daw makasiguro ang anak niyang si Luis Manzano na manalo bilang bise gobernador ng Batangas na kung saan ang incumbent governor ang kalaban, huh!
Pero sa inilabas na latest survey ay malaki rin ang kalamangan ni Luis sa mga kalaban niya huh!
Sure win din naman ang bunsong anak ni Ate Vi na si Ryan Christian Recto, huh!
Congratulations Vilma Santos-Recto , Luis Manzano and Ryan Christian,
***
SPEAKING of MIFF, very supportive ang First Lady madam Liza Araneta Marcos sa naturang pestibal.
Dumating ang asawa ng presidente sa MIFF na ginanap sa Los Angeles, USA.
Suportado ng Unang Ginang ang pagpapalabas ng mga pelikulang Tagalog sa ginanap na MIFF.
Sabi ni FL Liza sa kanyang post : “Participation in the Manila International Film Festival [MIFF]: Thanksgiving dinner in honor of Filipino film industry talents,” banggit pa ni FL.
Kasama sa mga dumating sa nasabing thanksgiving dinner sina Piolo Pascual, Boots Anson-Roa, Roselle Monteverde (Regal Entertainment) at marami pang iba.
May nakapag tsika pa sa amin na andun din daw si si Alexa Miro, ang sinasabing kasintahan daw ng anak ni FL Liza na si Cong. Sandro Marcos.
Si Alexa ang isa sa mga bida ng pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na nakuha pa raw magpa selfie sa unang ginang, huh!
Hindi naging exclusive for Metro Manila Film Festival entries ang nasabing event dahil may mga pelikulang ipinalabas na walang koneksyon sa MMFF 2025.
Pero sa totoo lang, ang daming artistang nagsidalo sa MIFF this year kahit sinasabing ang daming nagsasabi na hindi ito organisado.