Advertisers

Advertisers

Hustisya para sa biktima ng tanim-bala – Sen. Poe

0 16

Advertisers

HINDI na dapat muling makabalik ang “tanim-bala” modus sa mga pangunahing paliparan sa bansa na nakagagambala sa mga pasahero.

Ginawa ni Poe ang reaksyon makaraang madawit ang tatlong kawani ng Office of Transportation Security (OTS) na diumano’y sangkot sa insidente ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Concerned authorities must not allow this defanged scheme to make a comeback to pester passengers anew,” wika ni Poe, dating chairman ng Senate Committee on Public Services.



Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, nanawagan si Poe na bigyan ng agarang tulong at suporta ang 69-anyos na biktima na nakaranas ng matinding stress at abala dahil sa pananamantala ng mga mapanlinlang na airport personnel.

“As investigation proceeds, we hope assistance could be extended to the 69-year-old victim of this disturbing case,” hiling ni Poe.

“Innocent travelers do not deserve the trauma and trouble caused by rogue airport personnel supposed to provide security, not imperil their safety,” dagdag pa ng senadora.

Pinuri naman ni Poe ang mabilis na aksiyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Dizon kaugnay ng muling paglitaw ng ‘tanim-bala’ scheme sa paliparan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">