Advertisers
KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na nakatanggap sila ng mga impormasyon tungkol sa umano’y pamimigay ng pera kapalit ng pagboto sa mga kandidatong sumasama sa campaign rallies sa ibang bansa.
Sa ambush interview, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na may mga nakarating sa kanilang ganitong ulat kung saan mayroon din umanong humihikayat ng vote straight sa mga kandidatong nagtungo sa Hong Kong.
Sa kabila niyan, nilinaw ni Garcia na kailangan pa nila itong i-verify upang masiguro na totoo ang mga sumbong.
Kaya naman maituturing pa raw ito ngayong fake news habang hindi na nakumpirma ang ulat.
Kabilang sa ginagawang hakbang ng poll body ang pakikipag-ugnayan sa konsulada sa roon at paghikayat sa mga inalok o umano’y nakatanggap ng pera na lumantad sa Comelec.