Advertisers

Advertisers

Tsekwa nagpapatakbo ng Pogo hub timbog

0 23

Advertisers

SINALAKAY ng mga tauhan ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) at ng mga tauhan ng CIDG Cavite Provincial Field Unit ng CIDG Regional Field Unit 4A, ang isang pinaghihinalaang Pogo hub at nasakote din ang isang suspek na Chinese National na nagpapatakbo ng “Love Scam” sa Meadowood Subdivisioe, Brgy. Panapaan 6, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report ni CIDG Director Police Major General Nicolas Torre III kay PNP Chief Director General Rommel Francisco D. Marbil, nangyari ang isinagawang operasyon laban sa sinasabing Pogo hub nuon March 6, 2025 kung saan nailigtas din ang labing apat na filipinong nagtatrabaho sa pogo inamin nanan ng isa sa mga narescue na biktima na siya ang nagreport sa mga otoridad ng ginagawang pagkulong sa kanila ng kanilang amo para gamitin at pilitin umano sa modus na “Love Scam” na isang cyber fraud.

Nasamsam din sa lugar ang mga electronic device kagaya ng mga computer at cell phones na ginagamit para makapambiktima via online.



Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) at RA 10634 o (Expanded Anti-Traffiking in Persons Act of 2012). (Koi Laura)