Advertisers

Advertisers

Konsi Bong Marzan pinuri ang pagiging GFH passer ng Maynila

0 13

Advertisers

MULING ipinagmalki ni Asenso Manileño candidate for councilor sa District IV na si Liga ng Barangay Director Bong Marzan ang muling pagkilala sa administrasyong Mayor Honey Lacuna bilang Good Financial Housekeeping Passer ng taong 2024 ng Department of Interiors and Local Government (DILG).

Ayon kay Marzan, patunay lamang ang mga ganitong karangalan sa mahusay na pamamalakad ng lady mayor simula pa ng ito ay maupo bilang alkalde noong 2022.

Sinabi pa nito na isang malaking tagumpay na kilalanin ng DILG bilang GFH passer ang administrasyon ni Lacuna sa kabila ng pagkakaroon nito ng napakalaking utang na P17.8 billion na iniwan ng dating administrasyon.



Makikita dito ang dedikasyon ng sa tapat, maayos, at epektibong pamamahala ng pondo ng bayan.

Ang pagkilalang ito ay iginagawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng mataas na antas ng transparency at accountability sa pananalapi.

Naruto ang mga pamantayan upang maging Good Financial Housekeeping Passer na kailangan na malusutan o maipasa lokal na pamahalaan:

Wastong Paggamit ng Pondo.
Kailangang may unqualified o qualified audit opinion mula sa Commission on Audit (COA) sa pinakahuling taon ng financial audit.

Pagsunod sa Full Disclosure Policy. Kailangang regular na ipaskil sa mga opisyal na website at bulletin board ng pamahalaan ang mahahalagang dokumento tungkol sa pananalapi, tulad ng annual budget, statement of receipts and expenditures, at procurement plans.



Ang pagiging GFH Passer ng Maynila ay patunay ng masusing pangangasiwa ng pondo upang matiyak na ang bawat pisong inilaan para sa mga proyekto at serbisyo ay napakikinabangan ng bawat Manileño. (ANDI GARCIA)