Advertisers

Advertisers

MGen. Torre kaladkad ni ‘Col. Cake’ sa tong collection

0 1,225

Advertisers

Ni Cris Ibon

HINDI pa man nagtatagal ang “No Take Policy” order ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major General Nicolas Torre III sa kanyang mga itinalagang opisyales sa buong bansa ay nilalabag na ng isa niyang opisyal na nakatalaga sa Region 4A CALABARZON area ang naturang polisiya, ibinunyag ng isang grupo ng anti-crime and vice crusaders.

May isang buwan na ang nakaraan nang padalhan ni Torre ang kanyang regional at provincial officers na nakatalaga sa iba’t ibang sulok ng Luzon, Visayas at maging sa Mindanao na mananagot ang sinumang sasalungat o hindi susunod sa kanyang direktibang “No Take Policy” – tatanggap ng lagay, suhol o intelhensya o anumang pabor mula sa mga ilegalista.



Kasunod ng kanyang direktibang ito ay iniutos ni Torre ang pagsalakay sa mga gambling den, ganun din sa mga paihi joint at iba pang lugar na ginagamit sa mga ilegal na aktibidades, subalit imbes na sumunod sa utos ay isang Lieutenant Colonel sa Region 4A ang tahasang lumalabag sa ipinag-uutos ng CIDG Chief.

Ayon sa Mamamayan Kontra Krimen at Bisyo (MKKB), ang maangas na opisyal na tinatawag nilang “Col. Cake” ay pinaiikutan sa kanyang Team Leader “tong collector” ang mga lugar ng operasyon ng STL con jueteng, lotteng, Peryahan ng Bayan (PnB), sakla, pergalan, paihi/buriki at illegal vices upang kausapin at sabihan ang mga financier/maintainer na hindi na si “Mike” o “Allen” ang enkargado, sa halip ay sina Col. Cake at alyas Sgt. Adlawan na at ang bagong sugo ng tanggapan ng CIDG Chief para sa pangongolekta ng “weekly”.

Unang “pinasadahan” ni Sgt. Adlawan ang illegal van terminal at paihian ng isang “Dong” sa may Batangas City Pier, Brgy. Sta. Clara, na tinarahan ng daang libo kada linggo sa kabila ng babala ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil at Torre na mahigpit na ipairal ang ‘No Take Policy’.

Ang araw-gabi na ‘pwesto pijo’ na pasugalan ng nagpapakilalang ex-commander ng New People’s Army (NPA) na nangangalandakang campaign coordinator ni Lian Mayor Joseph Piji ay “pinaikutan” din ni “Col. Cake”.

Bukod sa sakla, color games, cara y cruz (Tao-Ibon) ay mayroon din mahjong at bilyaran na dinadayo ng mga sugarol mula sa iba’t ibang panig ng mga siyudad at bayan ng lalawigan ng Batangas, iba pang panig ng CALABARZON at maging Metro Manila. Umaabot sa milyones ang pustahan sa pakonsyertong mahjong at bilyar na kalimitang nagtatagisan ng galing ay mga beterano at mga bagong sumisikat na billiard player sa bansa.



Halos kasabay ng pagluklok bilang alkalde ni Lian Mayor Joseph Piji noong 2022, nagsimula ding mag-operate ang naturang gambling den na nasa tabi lamang ng Lian Public Market, ngunit kataka-takang tikom ang bibig laban dito sina Mayor Piji, Batangas PNP Provincial Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr. at ng kanyang local police chief.

Ayon sa MKKB, matindi rin ang operasyon ng sakla ng isang Ocampo at Baduy sa Brgy. Bagbag, Tanauan City. Sila din at ang 35 iba pa ang STL bookies sa siyudad ni Mayor Sonny Collantes; STL bookies ng Big 4; sakla nina Russell; Ornok at alyas Pat Lopez sa 72 barangays ng Lipa City; mga sakla den sa bayan ng Rosario at pergalan sa mga barangay ng Quilo-Quilo North, Pansol, Payapa at iba pang mga bayan sa lugar ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera.

May mga pergalan din sa mga bayan ng Cuenca, San Luis, Agoncillo, Taal, Lemery, Balayan at Nasugbu kung saan nag-o-operate din ng mga sakla den ang isang Willy Bokbok.

`Sa lalawigan ni Quezon Governor Angelina Tan ay umaaktong kolektor ni “Col. Cake” ang tinatawag na “Tatlong Bugok” ng Quezon na sina alyas Sgt. Anos, Sgt. Sebastian at Sgt. Jammy.

Dahil sa pangakong proteksyon nina alyas “Col. Cake” at “Tatlong Bugok” ay nababalewala ang atas nina Torre at Marbil na ‘No Take Policy’ at walang humpay pa din ang paihi/buriki operation nina alyas Kon. Sammy at Alfred sa mga Brgy. San Luis I at San Luis II sa bayan ng Guinyangan.

Ayon sa MKKB, protektor at kolektor din ng tong sa Quezon nina “Col. Cake” at “Tatlong Bugok” sa mahigit sa 150 “magkakahoy” o illegal loggers na walang habas na nagto-troso at nagpuputol maging ng puno ng niyog sa hurisdiksyon ng First hanggang 4th District nina Gov. Tan at “kapatid” na Quezon PNP OIC Provincial Director Col. Ruben Lacuesta. Ratsada din ang pakolektong ni “Col Cake” kina Hero, Ka Minong at Sgt. Hayag.May karugtong…