Advertisers
Jayson Tatum at Jaylen Brown, Nikola Jokic at Jemal Murray, Karl Anthony Town’s at Jalen Bronson, Giannis Antetokounmpo at Damian Lillard.
Yan ay ilan lang sa mga mag-pakner sa mga sikat na koponan sa NBA.
Ngayon ay may double L na ang Lakers. May LeBron James at Luka Doncic na sa LA.
Isang buwan na ang tandem at may 8-game winning streak. Kaso nahinto ito ng Celtics noong Linggo sa TD Garden.
Nanalo ang pares nina Tatum at Brown.kontra sa tambalang L. Naka-71 na puntos ang Boston twin samantalang may 56 lang ang katunggaling LA duo.
May nagsasabing preview na ito ng NBA Finals. Kung matuloy ay lumabas ang malaking butas ng purple at gold sa ilalim. Dangkasi naka- 14 markers si Al Horford, ang sentro ng home team.
Ito ang dapat na maresolba ni Coach JJ Reddick kung sakali sila nga magkita sa dulo.
***
Naniniwala si Eugene Torre na hindi nagkaanak sa isang Pinay na taga’Baguio si Bobby Fisher.
Matagal-tagal din kasi nanirahan sa summer capital ang chess genius at may mga bali-balita na nagkaroon siya ng relasyon at nagbunga ito.
Ayon sa ating kauna-unahang grandmaster at sa iba pa ang alam nila ay may naganap pa na DNA test noon at hindi nito napatunayan ang paternity ni Fisher.
***
Sinasabi na ngang TNT vs GSM yan sa huli.
Paulit-ulit si Tata Berong na ito ang isinisigaw.
Eka ni Tatang ay natural na yung pinakamalalakas na koponan ang magduduwelo sa PBA Finals. Sila rin ang mga prangkisa na pinakamalaki ang gastos. Sinusulit lang.