Advertisers

Advertisers

“Walang basehan ang mga ipinagkakalat ng ex-Mayor na gusto lang makabalik sa pwesto” – Mayor Honey

0 34

Advertisers

“THE words of someone seeking the highest position in Manila who goes home everyday to a grand condominium, not in Manila but in Bonifacio Global City (BGC), and who only goes around the city during election period, should not be given any credence whatsoever.”

Ito ang tahasang pahayag ni Manila Mayor Honey Lacuna, matapos niyang tuligsain ang pambabalewala sa mga ginagawa ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni PBGen. Arnold Thomas Ibay sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa kabisera ng bansa sa loob ng 24-oras.

“Walang halaga ang mga salita ng isang taong hindi naman talaga bumababa sa mga barangay, umuuwi sa magarang condo sa BGC, at sumusulpot lang pag malapit na ang eleksyon. Don’t take my word for it, i-check nyo po ang mismong record ng MPD, makikita nyo pong napakababa ng ating crime incidence kumpara sa buong populasyon ng Maynila,” pahayag ng lady mayor.



Idinagdag pa nito na: “Walang basehan ang mga pananakot na ipinagkakalat ng ex-Mayor na gusto lang makabalik sa pwesto. Siyempre maninira siya na kesyo magulo daw, tapos ikukumpara nya noong panahon niya ng pandemya kung saan walang tao sa kalsada. Natural payapa noon, naka-lockdown buong Metro-Manila. So mga kababayan ko, wag po kayong magpauto.”

Ibinigay ng alkalde ang kredito sa pagkakaroon ng mababang bilang ng krimen sa Maynila sa pinaigting na presensya ng mga police and barangay security at sa mga nakaposisyong checkpoints sa iba’t-ibang panig ng lungsod. Ang pagmiminitina peace and order sa anumang parte ng lungsod ay nasa ilalim ng mga police districts na nasa direktang sumasailalim sa Philippine National Police, at ‘di sa mayor’s office.

Mula sa mga records ng MPD, sinabi ni Lacuna na: “February is the first full month of checkpoints this year. In those 28 days, there were only 78 crime incidents reported by the 14 police stations in Manila. Compare that to February last year when there were 101 incidents. We, therefore, had a 22.7% drop in crime. These are the truthful facts, not made-up numbers like those of Numbeo circulating in social media.”

Ayon pa sa alkalde, ang improved crime situation sa lungsod ay dahil sa combined effect ng election period checkpoints at pinaghusay na d crime-fighting presence ng MPD, barangay tanods at volunteers na nagsisilbing multiplier forces.

Espesipikong binigyan din ng komendasyon ni Lacuna ang mga police precincts at barangays sa mga lugar ng Baseco, Pandacan, Ermita at Tondo dahil mas nag-improved ang bilang pagdating sa crime indices.



Ang Baseco ay may zero reported crimes noong February habang ang Pandacan at Tondo ay mayroon lamang tig-isa. Delpan, Barbosa at Meisic ay may tig- 3 insidente. Sa 14 na police stations, 10 ang may single-digit incidence at tanging apat ang may ababang insidente na mababang insidente mula 10 hanggang 15, ayon sa istatisdika.

“In uuwi last quarter of this year, I also anticipate heightened police presence because of the Barangay and SK elections when there will also be checkpoints to deter crimes,” sabi pa ni Lacuna.

Ayon pa sa alkalde, ang pamahalaang lungsod ay desidido ngayon sa paglalagay ng mga CCTV systems upang mahadlangan ang mga krimen. Ito ay bunga na rin ng mga insidente kung saan labis na nakatulong ang CCTV sa pagtala ng krimen. (ANDI GARCIA)