Advertisers

Advertisers

NNIC naglabas ng statement kaugnay ng viral ‘bullet’ video sa NAIA

0 27

Advertisers

ANG kaligtasan at seguridad ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pinagsamang pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, kung saan ang bawat isa ay may kanya-kanyang responsibilidad. Ang Office for Transportation Security (OTS), sa ilalim ng Department of Transportation, ang tanging namahala ng security screening, kabilang ang x-ray baggage inspections.

Ito ang pahayag ng NAIA Infra Corp. (NNIC), na siya ng namahala NAIA operations simula pa noong September ng nakaraang taon. Ito ay kaugnay ng napaulat na hinihinalang empty bullet shell na na-detect sa bag ng isang pasahero sa screening sa NAIA Terminal 3.

Sinabi ng NNIC na agad silang nakipagtulungan sa OTS at ni- review ang CCTV footage na may kaugnayan sa kaso. Pinangunahan na ng OTS ang imbestigasyon at maglalabas opisyal na pahayag kung ano ang kinalabasan ng imbestigasyon pati na ang kanilang susunod na hakbang.



Upang maiwasan ang mga katulad na pangyayari at upang mapalakas ang kompyansa ng publiko, sinabi ni NNIC general manager Lito Alvarez na sila ay makikipagtulungan sa OTS upang higit na palakasin ang security monitoring, proper screening procedures, and transparency sa security operations.” Our priority is to maintain an airport environment that is safe and efficient for all travelers, ” pahayag nito.

“NNIC remains committed to working with the OTS and other authorities to provide a secure and seamless airport experience. For inquiries regarding security procedures and the investigation, we refer passengers to the OTS,” saad pa ni Alvarez. (JERRY S. TAN)