Advertisers

Advertisers

Task force pagpapakilala nga lang ba ang ginawa ni CIDG chief Gen. Torre?

0 54

Advertisers

Umugong ang tila walang patawad na panghuhuli umano sa ilang illegal vices sa buong Region 3.

Marami ang napakibit-balikat sa mga nangyaring selective operation na ginawa sa mga bawat probinsya sa buong Region .

Kasama dito ang pagpapatigil sa probinsya ng Tarlac na sakop ni Provincial Director PCOL. Miguel Guzman, tamang pagpapakilala lamang ang ginawa ng mga kolektor na sila Jack ng CIDG, at ang sikat na si Jojo a.k.a. Phyton.



Dahil bukod na bagong pangalang Arnel ang ginamit para sa kolektong eh nagtaas pa umano ng presyo ang mga walanghiya.

Dahil kung maningil umano ang mga inibang pangalan este bagong pangalan ay per lamesa na ang singilan.

Umaabot ng 45K weekly para sa mga sakla at peryang nagtatayo sa probinsya.

Jusko Lord!

Do the mathematics, kung meron 5 lamesa ang puwesto ng isang peryahan o 5 lamesa ng sakla sa bawat brgy,aabot ng 250K kada linggo ang mga koleksyon.



Yan ay para sa isang peryahan pa lamang at limang brgy.,ilang peryahan at ilang brgy. ba meron ang probinsya.

Ganun din ang ginawa nitong sila Ricky sa probinsya ng Bulacan na sakop naman ni Provincial Director PCOL. Satur Ediong.

Nag iiyakan ang mga player ika nga at nagrereklamo na para bang gatasan na lmang sila ng mga kolektor at ang masakit para sa kanila umano ay para bang pili lang ang kayang hulihin.

Alam na this!

Yung mga hindi pasok at hindi nagbibigay umano sa kanila ng mga timbre o weekly payola ang sinampolan.

Hindi naman umubra ang utos ni Gen. Diwata este Gen. Torre kay Oskar alyas Oca na umanoy bata-bata ni Provincial Director PCOL. Benjamin Ariola, dahil tuloy-tuloy umano ang mga illegal na sugal sa probinsya ng Zambales.

Walang hintuan ika nga, dahil wala din naman sila aabutan kung sakaling magkahulihan dahil inaabisuhan umano ni Oskar.

What the fuck!

Madam Gen. Jean Fajardo!

Humihina na ba ang intelihensiya este Intelligence group mo?

Mukhang kaya-kayanan ka lamang ng mga PDs mo sa iyong area of responsibility.

Utos nga lang ba ng mga kolektor ang pagpapatigil at hindi utos mula sa nakakataas ang pagpapahinto sa mga ilegal vices?

Ganun din ang sinasabi ng tipster natin matapos natin purihin ang Pampanga ayon sa kanyang message “Boss ang ganda ng banat mo sa mga collector ng R3

Tama ‘yan Kya LNG bkt ang dambuhalang collector dmo ata kilala,

‘Yan ai Parak a.k.a.

Diego ang dapat mo banatan kasi ‘yan ang kausap ng CIDG national at region.

‘Yan ang bumibili.

Dilis LNG ang binabanatan mo ang pating di mo binabanatan Boss Idol”.

Hindi tuloy natin mawari kung isa sa mga kolektor na nabanggit natin ang tipster dahil sa natumbok natin ang kanilang galawan o maaaring inggitan sa kanilang mahiwagang linggohang koleksyon.

Maaari kasing palitan ang pangalan ng mga sikat na kolektor sa buong Region 3.

May kasunod…
Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com