Advertisers
Posibleng maglalahong parang bula ang ipinangakong P220 billion ($4 billion) pagnenegosyo ng mga negosyanteng Aleman sa administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr., dahil sa pagsasasawalang-bahala ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II, na ipatupad ang kasunduang transisyon sa pagitan ng Dermalog IT firm mula sa lumang sistema patungo sa makabagong sistema.
Ang pagbalewala ng ahensya hindi lamang pagkakait sa mga Pilipino ng state-of-the-art at high-tech na mga transport application system, kung hindi magtataboy pa ang iba pang dayuhan para mamuhunan sa bansa.
Ito ang pagbubunyag ni Dermalog spokesperson Atty. Nikki de Vega, nitong Lunes sa isinagawang press conference sa Quezon City, kasabay pa ng pagsabing sa patuloy pagbabalewala ni Mendoza sa kontrata ng LTO sa IT company, na ang pag-aari ng pamahalaan ng Germany, nalalagay sa panganib sa kasalukuyan ang iba pang mga negosyong Aleman sa bansa at nagdudulot pa ng takot sa mga potensyal na negosyanteng paparating sa bansa.
“There’s no legal impediment on ther part of Dermalog as we have won the biddingh fair and square. No less than the Philippine government has affirmed that Dermalog’s system is better and more efficient that the old system,” pahayag ni De Vega.
Isang kompanya ang Dermalog ng Aleman na nagbibigay ng biometric security solutions, kabilang ang fingerprint scanners, identity card, at border control systems. Ginagamit ang teknolohiya ng Dermalog ng maraming bansa, kasama na ang Pilipinas
Noong 2018, kinontrata ng LTO ang Dermalog na siyang mamamahala ng Land Transportation Management System (LTMS).
Ayon kay De Vega, sa makabagong teknolohiya ng Dermalog, madaling makapasok sa portal ng LTMS para sa driver’s license applications at iba pang proseso ng administratibo sa pamamagitan lamang ng ordinaryongcellphone.
Nagpahayag ng pangamba si De Vega na dahil sa banta ng suspensyon sa nasabing proyekto ng Dermalog kahit ito ang winning bidder ay maaring mahinto ang pagbuhos ng negosyong Aleman sa bansa na magbibigay sana ng libo-libong trabaho at kabuhayan sa mga Pilipino.
Matatandaan na nangako ang mga kompanyang Aleman noong Marso 12 ng nakaraang taon na nagbuhos ng $4 bilyon (P220 bilyon) halaga ng negosyo sa Pilipinas.
Pinuri ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. ang mga pangakong binitawan ng German companies, at sinabing hangad ng Pilipinas na mapalakas ang ugnayang pang-ekonomiya sa mga bansang “kapareho ng pag-iisip.” (Almar Danguilan)