Advertisers

Advertisers

Kim excited na sa 2 nominasyon sa Star Awards for TV; BB happy na sister na ang trato ni Binoe

0 24

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA kanyang latest vlog na in-upload noong Huwebes, March 6, sinabi ni BB Gandanghari na nagkaroon ng pagkakataon sa kanyang buhay na mali ang naging trato sa kanya ng nakababatang kapatid na si Sen. Robin Padilla. Inakala na raw noon ng actor-politician na isa siyang bakla.

“I remember mayro’n pa kaming usapan ni Robin. Kasi parang feeling ko, he’s treating me as gay,” pagbabalik tanaw ni BB.



Pagpapatuloy pa niya, “Sabi ko, ‘Tol, puwede ka bang makausap?’ Sabi niya, ‘Ano ‘yon?’ Sabi ko, ‘Kasi may problema, parang you’re treating me as gay. I’m not gay. I’m transgender.’”

Ayon pa kay BB, tila hindi pa raw naiproseso agad ni Robin ang kanyang kasarian matapos niyang aminin kung ano ang tunay niyang identity.“ Sabi niya, ‘Tol, puwede ba? Nando’n pa lang ako sa gay. Ano na naman ‘yang transgender na ‘yan?’” chika pa niya.

Noong mga panahon na yun ay nalungkot raw talaga si BB sa naging reaksyon ng kapatid.

Sa katunayan, sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay ibinahagi niyang babae na ang turing sa kanya ni Binoe.

“Sina Robin at Rustom, ay brothers so they treat each other as brothers and then ang pinakamalaking pagkakaiba, tinatrato ni Robin si Rustom as kuya. Ngayon ang relasyon ko kay Robin is brother and sister,” saad ni BB.



Dagdag pa niya, “Nire-recognize niya lahat ng iyon. He’s treating me as a sister now more than a brother. And then also, dahil iba na ‘yung personality, tinatrato niya ‘ko bilang mas batang kapatid.”

***

DALAWANG nominasyon ang nakuha ni Kim Chiu sa darating na Star Awards For TV na gaganapin sa March 23 sa Dolphy Theater.

Nominado siya for Best Drama Actress for Linlang at Best Female TV Host for It’s Showtime.

Sa dalawang nominasyon ni Chinita Princess, may maiuwi kaya siyang trophy? ‘Yan ang ating aabangan.

Siguradong ang mga faney ni Kim ay nagdarasal na para manalo ang kanilang idolo.

Ang mga kalaban ni Kim sa Best Drama Actress category ay sina Andrea Brillantes (Senior High), Barbie Forteza, (Pulang Araw), Bea Alonzo, (Widows War), Belle Mariano, (Can’t Buy Me Love), Jennylyn Mercado, (Love.Die.Repeat), Jodi Sta.Maria, (Lavender Fields) at Marian Rivera, (My Guardian Alien).

Ang mga kalaban naman ni Kim sa Best Female TV Host ay sina Amy Perez for “It’s Showtime,” GMA-7, GTV, A2Z, and AllTV, Anne Curtis for “It’s Showtime,” GMA-7, GTV, A2Z, and AllTV, Karylle for “It’s Showtime,” GMA-7, GTV, A2Z, and AllTV, Maine Mendoza for “Eat Bulaga,” TV5 and RPTV, Pokwang for “TiktoClock,” GMA-7 at Regine Velasquez for “ASAP,” TV5 and A2Z.