Bukod Sa Multi Talented… Toni Gonzaga Kaya Blessed ‘DI Kinalilimutang Magpasalamat Sa Diyos; Direk Efren Reyes, Jr Mapapanood Na Sa “Batang Quiapo” Bilang Si Lt. Col. Salvador Romero
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
VERY God fearing ang pamilya Gonzaga na siyempre headed by Mommy Pinty and Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga and sisters Toni and Alex Gonzaga. Matagal na silang miyembro ng Taytay Methodist at walang mintis ang pagsimba nila rito. Itong si Toni ay maaga ring namulat dahil sa mga magulang na ano mang bagay ang nakamit mo maliit man o malaki ay dapat itong ipagpasalamat lagi sa Diyos.
Lahat din ng verse sa Bible ay alam ni Toni, na kanyang isine-share naman sa kanyang million viewers sa “TONI TALKS!” Marami na ring mga nadaluhan at imbitasyon si Toni na mga aktibidades na may kinalaman sa Diyos at lahat ay inaatenan ng actress-host. Nitong huli nga sila ang guests ng Daddy niyang si Carlito “Bonoy” sa 8th Year National Bible Day Celebration held at Rizal Ballroom of Makati Shang-rila. Also with her is Mommy Pinty at nakasama rin ng actress sa event si Manny Pacquiao.
Samantala, sa more than 20 years na ni Toni sa showbiz na ngayon ay patuloy na namamayagpag ang career sa world of Vlogging via her own true life talk show na “TONI TALKS.”
Sari-sari o kaliwa’t kanang parangal na ang naigawad kay Toni. Banggitin mo ang halos lahat ng Award Giving Bodies sa showbiz world, universities, etc. ay tumanggap na rito si Toni. At itinanghal na Best Actress sa 2015 FAMAS para sa movie nila ni Piolo Pascual na “Starting Over Again” at hinirang din na Box Office Queen sa Box Office Entertainment Awarda ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation Awards. Naparangalan din siya ng International Award this year sa IMA WA IMA ASIAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL bilang Best Actress in a Dramatic Role-Full Length Category for her movie “My Sassy Girl.”
Isa pang malaking parangal para sa ating original and the real Ultimate Multimedia Star (Toni) ay siya ang Top 3 na Best Motivational Vlogger ng 2025 Philippine Vlogger Awards. Ito ay para sa kanyang sariling talk show na “TONI TALKS” na nagbibigay inspirasyon at nag-uudyok o payo na gumawa ng mabuti sa kapwa, etc. Mayroon nang mahigit 7 million subscribers ang Youtube Channel ni Toni na TGS o Toni Gonzaga Studio kung saan dito mapapanood ang kanyang matagumpay na TONI TALKS.