Advertisers

Advertisers

SARA-TSIS SA 2028?

0 46

Advertisers

MAS nauunawaan namin ngayon kung bakit pilit na binibigyan ni Tsis ng proteksyon si Misfit Sara sa impeachment na inihain ng Camara de Representante sa Senado noong Pebrero. May maitim na balak si Tsis kung bakit pinipigil niya na buuin ang Senado bilang impeachment court at litisin si Misfit Sara kahit malapit na ang halalan sa ika-12 ng Mayo.

Malayo ang tingin ng kanyang mga mata at nakadikit ang tainga sa lupa upang marinig ang bawat galaw sa larangan ng pulitika. Lubhang inaasam ni Tsis ang Sara-Tsis tiket sa 2028. Kung matutuloy, malaki ang pag-asa nila na manalo sa tiket na ihaharap ng kampo ni BBM at kahit ang tunay na oposisyon na kinakatawan ng mga demokratikong mandirigma.

Hindi lang iyan. Popondohan ng China ng walang hangganan ang kampanya ng tiket ni Misfit Sara at Tsis. Alam ni Tsis na kahit hindi nanalo ang kanilang tiket, nagkakamal siya ng limpak-limpak na salapi upang magretiro ng masagana sa kanyang karera sa pulitika. Hindi niya kailangan mag-abogado sa kinabukasan.



Kaya magpapakamatay si Tsis makamit lang ang kanyang nais. Do or die siya sa pagkakataon na ibinigay ng kanyang kasalukuyang pwesto bilang Senate president. Babaligtarin niya ang lahat at kakapalan ang mukha ipagpaliban lang niya ang paglilitis kay Misfit Sara. Sa ganang kanya, patibayan lang ng sikmura makamit lang niya ang nais niya.

Kung saka-sakaling manalo ang Sara-Tsis tiket sa bisa ng limpak na limpak na salapi na ibibigay ng China bilang pondo sa kampanya, wala tayong sasandalan at aasahan bilang isang bansa. Panahon na upang mangibang bayan dahil wala tayong kinabukasan sa kanila. Ito ang dahilan upang bakit dapat igiit na patalsikin sa pwesto si Misfit Sara.

May mga persepsyon na mga tao ng China sina Misfit Sara at kahit si Tsis. Aalagaan ng Peking ang dalawang pulitiko upang tuluyang maangkin ang halos kabuuan ng South China Sea. Sila rin ang pulitiko na magbibigay daan upang isulong ang panukala ni Gongdi na maging lalawigan ng China ang Filipinas. Kahit minsan, hindi nagsalita laban sa China ang dalawa. Delikado ang bansa kanilang dalawa, sa totoo lang.

***

BATAY sa takbo ng mga kasalukuyang pangyayari, pinakamaganda na bitawan ni Tsis ang suporta kay Misfit Sara. Kung saka-sakaling matuloy ang pagdakip ng Interpol at ICC kay Gongdi at ang paglilitis niya sa The Hague, nakikita naming ang tuluyang pagbagsak ng pamilya Duterte sa larangan ng pulitika.



Mauubos sila kahit ilabas pa nila ang mga salapi ninakaw nila sa kaban ng bayan. Hindi nila mababayaran ang lahat upang manatili sa poder at tinitingala. Sa madaling usapan, pabagsak na ang mga Duterte at hindi dapat ikalawit ni Tsis ang kanyang kinabukasan sa mga Duterte. Pinakamabisa ang lumayo siya sa mga Duterte at gampanan ang kanyang tungkulin bilang katangi-tanging lingkod ng bayan.

Sa aming palagay, hindi makakabangon ang mga Duterte sa panahong ito. Maaaring mangyari ito sa susunod na henerasyon kung malimot ng maraming Filipino ang katampalasanan at kalokohan nila sa bansa. Sa ngayon, pinakamaganda kay Tsis na ituloy niya pagbuo ng Senado bilang impeachment court at litisin si Misfit Sara. Kahit nabayaran na siya ni Misfit Sara at Gongdi. Ito ang magsasalba sa kanya sa tiyak na kapahamakan.

Walang siyang mapapala sa mga Duterte. Basura ng kasaysayan sila.

***

MGA PILING SALITA: “Zelenskyy is a symbol of an uncompromising leader that’s supported by the best battle hardened defenders of Ukraine… thus pissing off every power hungry dictator all over the world… it’s a sad reality that trumps “dumberica” did a 180 …. but there’s still good in the world and such symbolic defiance will forever give hope and motivation to always do the right thing regardless… Slava Ukraini” – Jer Punla, netizen